Thia’s POV
Umagang-umaga pero tila mainit ang ulo ni Sheena. Kanina pa hindi nakibo eh. Kanina pa ako nagpapapansin pero hindi niya ako pinapansin. Sinoko ko nga.
“Aray ko naman Thia.” Reklamo niya pero parang hindi naman nasaktan.
“Ano bang problema mo? Ilang araw ka nang ganyan. Ilang araw na rin tayong ganito. Ni hindi na nga natin kasamang kumakain sina Wallace eh.”
Hmf. Oo. Ilang araw naring hindi kasamang mag-lunch sina Arkin. Hay, miss ko na nga siya eh. Hala, feeling ko namula pisngi ko.
“Edi kung gusto mo puntahan mo na sila.” Wika pa niya. Aba masungit ang peg.
“Bakit ba kasi? Ano bang nangyari sa inyo ni Drew? Ilang araw na kayong hindi nagkikibuan ah. Mag-two weeks na pala.”
“Wala. Kalimutan mo na nga siya. Pakopya nalang ng assignment.” Wika niya at inagaw ang notebook ko. Wow ha.
“Tsk. Hay naku. Alam mo walang mangyayari kung hindi niyo aayusing dalawa kung ano man yang problema niyo. Ang mabuti pa pumunta tayo mamaya sa main building at doon tayo mag-lunch.”
“Nababaliw ka na ba Thia? Ayoko nga. Baka sabihin niya hinahabol ko siya. ang kapal niya ha.” wika niya.
“Hala, eh, bakit nga kasi? Ano bang pinag-awayan niyo?” tanong ko. Naku itong babaeng ito ayaw pa kasi ikuwento.
“Hayaan mo siya doon sa lalabs niya.”
“Lalabs?” nagtataka kong tanong.
“Oo, doon sa kalampungan niya sa mall noon.” Tugon niya Sheena.
“Naku, nakita mo siyang may kasamang babae sa mall?” tanong ko. Hindi siya kumibo, nakaconcentrate siya sa assignment ko na kinokopya niya.
“To naman, malay mo baka pinsan lang niya, o kaya kakilala, o kaya close friend.” Wika kong nakangiti. Aba itong babaeng ito selosa din pala. Eh dati rati naman sa ex boyfriend niya hindi naman siya ganito.
“Kaibigan. Whatever. Magsama silang dalawa. Wala akong pakialam.”
“Teka, kinausap mo na ba siya tungkol dito?”
“Ha. Eh nung tinanong ko kung sino yung kasama niyang babae sa mall, ayaw niyang sabihin sa akin. So anong gusto mong isipin ko?” wika niya.
“Eh, baka naman kasi inaway mo agad agad. Dapat pinagpaliwanag mo muna siya.” wika ko.
“Makita ko ba naman silang magkayakap sino ba namang hindi maiinis dun? Pasalamat siya hindi ko sinugod yung babae.” Wika ni Sheena tapos yung mata niya kulang nalang mag-apoy.
“Nakakatakot ka naman. Pero nakilala mo ba yung babae?”
“Hindi. Noon ko lang siya nakita. Mukhang hindi naman estudyante dito. Hindi naman siya nakauniform. Tapos yung yakapan nila parang sabik na sabik sila sa isat-isa.”
“Tapos anong ginawa mo nung nakita mo sila?” tanong ko pa.
“Pagkaalis nung babae nilapitan ko agad siya. Tapos sinampal ko nga.”
“Hala sinampal mo agad? Ni hindi mo manlang pinagpaliwanag?” ang harsh naman nitong babaeng ito.
“Oo, tapos nakipagbreak na ako.” Sagot pa niya.
“Hala, break agad? Agad agad? Sheena, maghunos dili ka nga. Tapos anong sabi niya nung sinabi mong break na kayo?”
“Iniwan ko na siya. Hindi ko na siya hinayaang magsalita.”
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...