Yana’s POV
It’s been years since kinanta ko yung kantang iyon. Naalala ko si papa. Agad kong nilapag ang mikropono at dumiretso ako sa CR. Pinunasan ko ang luha ko na parang ayaw tumigil sa pagdaloy. Naghilamos ako.
“Okay ka lang?” narinig kong boses, pagtingin ko sa salamin, si Arkin. It’s been a while since he spoke to me.
“Ah, ayos lang.” pero ang totoo I’m not.
“You did great. I’m sorry kung pinilit kita to do this.” Wika niya.
“No, it’s okay. Kung hindi ko naman ginawa yun baka masira ang event.”
“Seriously, are you okay? Just tell me.” Wika pa niya. Oh God Arkin, don’t do this to me. Pakiramdam ko madudurog ang puso ko.
“Naoverwhelm lang siguro ako. It’s been a while since I sang. Naalala ko lang si papa. That was his favorite song.” Tumulo na naman ang luha ko.
“Shhh, I’m sorry, I’m sorry na pinakanta kita. I’m sorry if I was so selfish and I didn’t consider your feelings.” Nilapitan niya ako, and he tapped my shoulder, comforting me.
“Naisip ko nga, I’ve been holding these feelings for a while. Magmula noong mamatay si papa, I thought I’ll be fine kung kakalimutan ko na lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa kanya. But singing his favorite song today, I realized how much I missed him. How much I missed having a father. How much I want to see him again, hear his voice, hug him and tell him how much I love him. Pero huli na ang lahat.”
“Don’t say that, I’m sure, wherever he is right now, he knows how much you love him.” wika niya.
“Thank you.” Tugon ko.
“Come here” wika niya at niyakap ako. I hugged him back.
“Thank you, siguro, I needed this. I thought I was healed, pero hindi pa pala. Thank you that you played that song with me just like before.” Wika ko.
“I’m sure kung narinig ni Tito Jaime yung boses mo ngayon, he will be the proudest father. You did great. You sang beautifully. It was perfect.” Wika niya. hearing those words from him, I can’t even believe it.
“Salamat talaga Arkin.” I hugged him even tighter.
Thia’s POV
Naku, bakit ba ang layo ng CR. Naiihi na talaga ako. I was about to enter the girls CR nang marinig kong may nag-uusap tapos nakita ako, ha?
Arkin? si Arkin yun, at, si-si Yana? Magkayakap sila?
Sa gulat ko my first instinct was to step back. Napasandal ako sa tabi ng pintuan. Bakit ba, bakit ba natataranta ako? Ha? Ano yung nakita ko? Mortal sin ba na nakita ko silang magkayakap? May relasyon ba sila? At bakit sa CR sila nagyayakapan? Naiihi na ako! Maya-maya narinig kong parang palabas na sila.
Oh em gee! What to do? Mabilis kong tinakbo ang boys CR. Bakit ba ako nagtatago? Eh ano ngayon kung nakita ko sila? Ano ba naman ito. Sumilip ako. Nag-uusap sila. Pero di ko marinig. Then, nagyakapan pa ulit sila tapos unang umalis si Yana. Hay salamat umalis na siya. Makakaihi na ako pero nanlaki mata ko.
Arkin is heading towards the boys CR!!!
Huwaaat! Dali-dali akong pumasok sa loob ng isang cubicle. Narinig ko ang mga yabag niyang pumasok sa CR. Oh God, what do I do. Narinig ko nalang na parang umiihi siya. Ha? gosh, ihing ihi na rin ako! No choice, I peed as silently as I can. Oh God sana hindi niya narinig. Dahan-dahan akong tumayo and zipped my pants. And then dahan-dahan ko ring pinihit ang pinto. Tumingin ako sa labas, ayos, mukhang wala na siya. Walang tao sa may urinals. Agad kong pinindot yung flush at dali-daling lumabas sa cubicle.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...