Thia's POV
Two months into her due date, nagpumilit si Tauriel na ako ang katabi niyang matulog sa kama tuwing gabi, naiirita siya sa pagmumukha ni Paul Jake. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis pero isa lang ang sigurado ko, inis na inis sa akin si Paul Jake. Katabi ko tuloy siya ngayon sa kama at nandito kami ngayon sa condo. Malakas ang ulan at hindi ako makatulog. Himbing na himbing naman si Tauriel sa tabi ko. Agad ko siyang kinumutan. Narinig kong nagbukas ang pinto. Agad akong pumunta sa sala.
"Oh Thia, gising ka pa?" tanong ni Sheena. Sa kabila siya natutulog kasama si Drew. Hindi pa kasi masyadong mailakad ni Drew yung paa niya kaya si Sheena ang nag-aalaga sa kanya.
"Oo eh. Kanina pa ako hindi makatulog." Tugon ko at umupo sa sofa.
"Kumuha lang ako ng tubig. Wala na kasing tubig sa kabila." Wika ni Sheena. "Kamusta naman yung buntis mong sister-in-law?"
"Ayun, tulog na tulog."
"Ibang klase ka rin eh. Ang weird naman niyang maglihi. Imagine, malapit na siyang manganak pero eto hanggang ngayon, nakabuntot parin sayo. Wala yata si Paul Jake ngayon?" tanong niya.
"Ah, ayun sumama kay papang. Out of town sila ngayon."
"Naku, pagbutihan mo yan. Sige, punta na ako sa kabila. Baka hanapin pa ako ni Drew."
"Sige. Good night." Tugon ko. Pagkaalis niya, yung ulan nalang ang naririnig ko. Ano ba yan. Bakit ba hindi ako makatulog. Ang lamig-lamig pa naman. Humiga ako sa sofa. Ahh, mas komportable ako dito kaysa pag katabi ko si Tauriel. I closed my eyes.
"Ate Thia."
"Hmmmn..." angal ko. Nakaramdam akong may yumuyugyog sa akin.
"At-e T-Thia."
"Hmmn?" minulat ko mga mata ko at napabalikwas ako. Nakita ko Si Tauriel na nakatayo sa harap ko nakahawak sa beywang niya.
"Ate..." parang hirap na hirap siya na ewan. Pagtingin ko sa oras it's 1 in the morning.
"B-bakit?" tanong ko. Parang bigla akong nagpanic pagkakita ng mukha niya.
"Ate, pa-parang masakit." Tugon niya.
"H-ha? A-anong masakit?" mabilis ko siyang pinaupo.
"M-masakit yung tiyan ko. Ahhh." Daing niya.
"Ha? B-bakit masakit?"
"Ate, manganganak na yata ako..."
"Ha? Eh, h-hindi mo pa kabuwanan ah." natataranta kong wika.
"Ate masakit talaga." tila hirap na hirap nga siya. Nagpapawis pa siya ng malamig. Na-mental block ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Of all times? Kung kelan dadalawa lang kami?
"Ah, t-teka. T-tatawag..." natigilan ako nang makita kong nagkalat ang dugo na may tubig na ewan. Huwaaah! Lalo na akong kinabahan.
"Ate..." halos bulong nalang ang salita niya.
"S-sige, te-teka tatawagan ko lang si..." sinong tatawagan ko? I tried to dial Wallace's number pero hindi niya sinasagot. Pati si Sheena. Huwaaah! Bakit ngayon pa!!!!!
"Ate... kuya..." wika ulit niya. Nakita kong tila namumutla na siya.
"Te-teka, t-tawagan natin ang kuya mo." Agad kong denial ang number ni Arkin.
[Hello?] bungad niya.
[Arkin, pumunta ka dito sa condo ngayon please. Nandito si Tauriel at...]
[Bakit? Anong problema?]
[Di-dinugo siya. Di-dinugo kasi siya, tapos masakit daw, tapos...] di ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kong nakapikit na si Tauriel.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
Storie d'amoreNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...