Chapter 34 (The plan)

576 16 0
                                    

Thia’s POV

Inaantok antok pa ako nang naramdaman kong may humahampas sa noo ko. Aray ko naman! Minulat ko mga mata ko. Nakakita ako ng dwende, este kapatid ko pala. Nakatulog pala ako sa sofa.

“Thianak. Gising na.” hinahampas parin niya ako ng ruler.

Tinatamad akong bumangon. Naiwan ko pa yata ang katawang lupa ko sa dreamland. Istorbo nitong dwendeng ito. Ang ganda pa ng panaginip ko eh.

“Ikaw pag hindi mo tinigil yan titirisin kita.” Wika ko.

“Anong oras na kaya.”

Tinignan ko yung orasan. Lingo ngayon. Lumabas si mamang, namalengke. Si papa naman out of town. Naiwan naman ako sa bahay para maglinis at sa pagod ko nakatulog pala ako sa sofa.

“Alas tres palang ah. Bakit mo ba ako ginigising? Tapos na akong maglinis. Istorbo ka talaga kahit kelan.” Reklamo ko.

“Tsk, mahiya ka nga. Nakakahiya ka.” Tugon pa nitong dwendeng ito.

“Anong mahiya?” tanong ko tapos nag-smirk lang siya.

“Tsk tsk tsk.” wika niya habang umiiling.

“Aba akin na nga yang ruler at ihaham…” biglang may tumabi kay PJ at tinitigan ako.

“Hi troublemaker.” wika niya nanlaki mga mata ko. Parang nagfreeze ang paligid kasama na ako. Omo!

“Arkin?” gulat kong wika at napabalikwas ako to the point na muntik na akong mahulog sa sahig. Hinawakan niya balikat ko kaya hindi ako tuluyang nahulog. Kyaaah!

“Ang tagal mo namang matulog.” Wika niya smiling. Pagtingin ko kay PJ naka-smirk parin siya.

“A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko natataranta parin ako. Huwaaah. Nakita niya akong natulog? Hala, ang likot ko kayang matulog. Baka nakita niyang yakap yakap ko yung sofa. Naka-shorts pamandin ako. Naglaway ba ako? Humilik ba ako? Wa-poise! Ang gulo pa ng buhok ko! huwaaah!

“I’m here to return these.” Wika niya at iniangat yung  hawak niyang paperbag.

“A-aano yan?” tanong ko.

“Yung tuwalya at damit na pinahiram niyo sa akin the last time I was here.” Tugon niya. Umayos naman ako ng upo.

“Ah, eh. O-okay.” Tugon ko tapos kinuha ko yung hawak niyang paperbag. Huwaaaah. Kung makagulat naman ito ngayon pa. wa-poise talaga. huwaaaah.

“Kanina ka pa?” tanong ko.

Ngumiti siya tapos tinignan wrist watch niya.

“30 minutes ago.” Wika niya.

“Bakit naman hindi mo ako ginising!” wika ko kay PJ na nakangisi parin. Nakakainis tong dwendeng ito.

“No, ako nagsabing huwag ka niyang gisingin, it seems masarap ang tulog mo. Ang ganda ata ng panaginip mo eh.” Wika niya na parang nanunukso yung ngiti niya. Sarap kurutin ng pisngi pero hindi pwede. May bata. Rated PG.

“Sa tagal mong magising nakapaglaro pa kami ng isang game. Let’s do it next time.” Wika ni PJ.

“Naku, pasensiya ka na dito sa kapatid ko ha.” wika ko tapos tumayo ako na hindi ko alam ang gagawin ko.

“Okay lang. It’s been a while since the last time I played.” Tugon niya.

“Ah, gusto mo ng meryenda?” tanong ko nalang. That’s the best I can do for now. Kailangan ko naring tumakbo sa salamin para icheck ang itsura ko. mukha kasi akong bruha pag nasa bahay.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon