Thia's POV
Saturday night. Andito ako ngayon sa birthday party ni Yana. Mag-isa ko lang nagpunta. Hay, ang daming tao. Medyo bored ako. 30 minutes na akong nandito. Hindi pa lumalabas si Yana. Maraming tao. Mukhang bongga itong birthday party niya. andito din mga kabatch namin pero puro mga classmate niya. Eh wala naman akong kilala sa first section. Kung nandito lang sana ni Sheena. Teka, yung babaeng yun, di na masyado nagpaparamdam pansin ko lang. then a camera flashed. Medyo nasilaw ako dun ah.
"Gotcha!"
"Sheena? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tapos biglang sumulpot si Drew.
Nag-smile lang si Sheena sa akin. "Invited din kaya kami." wika ni Drew. Tapos padating naman si Wallace. Ha, pati si Wallace?
"Thia, andito ka din pala." Wika niya.
"Sheena, bakit hindi mo manlang ako tinext na pupunta ka dito?" reklamo ko sa kanya.
"Sorry, my bad. Sinabi ko kasi sa kanya na sa akin siya sumabay eh. Wag ka nang magalit sa kanya." Wika ni Drew.
"Halika hanap tayo ng table natin." Wika naman ni Wallace. Agad kaming naghanap ng upuan. Sa may gilid lang naman. Bale ang setting eh mga round table. May stage sa harap. Tapos maraming pink balloons. Umupo kami tumabi si Wallace sa akin tapos yung dalawa, sina Sheena at Drew nasa may gilid naman. Busy lang sa pagte-take ng picture si Sheena.
"Hi. Kumusta na? Hindi ka na sumabay sa amin ng lunch ah. Tapos na ba ang pagiging right hand mo?" tanong ni Wallace.
"Ha, ah eh. Oo. Total malapit naman nang gumaling yung braso nung kaibigan mo." Siguro it's been days since nung huling nag-usap kami. Si Sheena nalang ang pumupunta sa kanila para sabayan si Drew kumain. Hindi siya nagsasabi pero parang may something na sila ni Drew eh, ewan ko bas a bruhang to.
"Ah, see. Saying akala pa naman naming lagi naming matitikman yung luto ng mama mo." Wika pa niya.
"Naku, kung gusto mo babaunan nalang kita paminsan-minsan. Ipapadala ko nalang kay Sheena." Wika ko.
"Hay naku, why not join us. Just like before. Wala namang masama. Kasama mo naman si Sheena." Wika ni Drew.
Oo nga tama nga siya. Masaya naman silang kasama pero, nangako ako kay Arkin, na hindi na ako magpapakita sa kanya.
"Oo nga Thia. Sa Lunes sabay ka sa akin." Wika ni Sheena.
"Naku huwag na." mabilis kong tugon.
"Bakit naman?" tanong ni Wallace.
"Ha?"
"Iniiwasan mo ba si Arkin?" tanong niya.
"Ha? hindi ah!" I sounded defensive. Tsk. Bakit ba itong si Wallace parang nambabasa ng isip.
"Guys." Si Yana. She is wearing a pink dress. Ang ganda niya ngayon.
"Happy birthday." Wika namin.
"Kanina pa kayo? Naku pasensiya na ngayon lang ako lumabas nag-usap pa kasi kami nina mama sa loob eh. Okay lang ba kayo?" tanong niya.
"Ah, oo salamat ha ang sarap ng foods." Tugon ni Drew. Tapos nakita may papalapit. Ha? yung lola ni Arkin? at si Arkin! oh em gee. What to do? Bakit parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa?
"Oh Ark!" wika ni Drew.
"Hi." Wika ni Arkin. Tapos napatingin siya sa akin. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"You're here?" hindi ko alam kung tanong yung sinabi niya o insulto.
"Ah yes, I invited her. Afterall, she was my childhood friend." Tugon ni Yana.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
Roman d'amourNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...
