Sheena’s POV
“Whoah! Ang cute niyong tignan dito sa shakehands moment ninyo ni Mr. Sungit.” Wika ko habang tinitignan sa camera ko yung mga kuha ko kanina sa music room. Akmang aagawin niya sa akin yung camera pero nailayo ko na ito bago pa man niya makuha.
“Sheena nga. Delete mo na nga yan!” aba irritable?
“Bakit ba? Di ka na nasanay sa akin. Ang dami-dami mo kayang pictures sa akin. Ikaw pa nga ginagamit kong subject sa mga photos ko eh.”
“Sheena?”
“Ha, at teka ha, hindi ko na kailangang bumili ng ticket natin sa Sabado, may binigay na si Prince charming.”
“Prince charming ka diyan. Mabait lang talaga siya. Di tulad nung masungit na yun.” Wika niya.
“Akala ko ba bati na kayo nun? Bakit parang ang sama parin ng loob mo sa kanya?”
“Hindi ah.” Tugon niya.
“Weeh? Wag mo nga akong paandaran. Tinanong nga pala ako ng mamang mo kung saan daw tayo pumunta nung isang araw. Nung iniwan kita sa praktis niyo sa gym. Late ka na daw kasi nakauwi. Sabi ko naman nagpraktis kayo pwera nalang kung may ginawa kang iba.”
“Ha? Ano naman ang gagawin kong iba?” di siya makatingin sa akin. Aba.
“Bruha ka, may di ka sinasabi sa akin no?” tanong ko. Halatang-halata na may lihim etong babaeng eto.
“Ha? Wala no.” deny pa niya.
“Yung doorknob na pinag-uusapan niyo kanina ni Arkin. Doorknob nga ba sa music room o ibang doorknob yun?”
“Ang dami mong tanong.” Wika niya sabay walk out. Aba walk out queen na siya ngayon. Hinayaan ko lang siya at sinave ko nalang yung mga pictures na nakuha ko. Baka erasin pa niya sa camera ko mahirap na.
Thia’s POV
Ano ba naman yung babaeng yun. Ang daming tanong. Eish. Baka mamaya di ko mapigilan at maikuwento ko sa kanya yung nangyari sa gym. Mahirap na. Habangbuhay lang niya akong tutuksuhin. Agad nalang akong nagpunta sa CR. Nag-init ang pisngi ko. Pulang-pula ako. Agad akong naghilamos. Saka ko tinitigan ang mukha ko sa salamin. Maya-maya may lumabas na babae sa isang cubicle. Oh, si Yana. Yung class valedictorian naming. Walang kabatch naming ang hindi nakakakilala sa kanya. Beauty and brains. Andami nga niyang tagahanga. Sabi pa nga nila pati ibang year nililigawan siya. Ang suwerte naman nitong babaeng eto. Naghugas siya ng kamay at tumigin sa salamin tapos tinitigan niya ako. Tinitigan ko din siya. Hmmn, maputi siya, maganda rin ang hubog na katawan niya. Yung buhok niya walang sabit hanggang siko niya. Bagay na bagay sa kanya. May pagkatsinita siya. Tapos matangkad pa. Basta, aanhin mo ang kagandahan kung katabi mo naman siya ang peg. Nakatingin parin siya sa akin.
“Parang kilala kita.” Wika niya. Ha? Kilala niya ako? Hindi ko siya kilala eh. Lagi ko lang siyang nakikita. Sa star section siya eh. Kapag dumadaan siya sa harap ng classroom namin lagi siyang tinitignan ng mga kaklase kong lalaki.
“Ha? Ah, eh, siguro nakikita mo lang ako. Magkatabi lang ang classroom natin.” Tugon ko naman.
“Hindi eh. Parang matagal na kitang kilala.” Wika pa niya.
“Ha? Sorry ha, di kita kilala eh. I mean, alam ko pangalan mo.”
“Ah, ano pangalan mo?” tanong niya.
“Ah, Thiana, Thiana Bermudez.”
“Thiana? See, sabi ko sa iyo. You are Thiana. Siguro hindi mo ako maalala. Ako si Yana. Yana Castillo. Magka-klase tayo nung kindergarten.”

BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
Roman d'amourNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...