Chapter 8 (Why do you have to be so rude?)

753 15 0
                                        

Thia’s POV

“Oh ano, okay na ba yang balikat mo?” tanong ni mamang sa akin. Tumanggi akong sumama sa kanila para magrocery, hindi kasi maganda pakiramdam ko. Masakit parin ang balikat ko.

“Oo mamang. Kayo nalang ang pumunta, total andiyan naman si dwende para tulungan kang magbuhat.” Wika ko.

“Naku, mamang huwag kang maniwala diyan, malamang nagpapanggap lang iyan na masakit balikat niya para hindi mo siya utusan.”

“Hoy, dwende manahimik ka nga.”

“O siya, tama nga nga iyan. PJ, hayaan mo na yang ate mo nang makapagpahinga na siya. Tara na.” wika ni mamang.

“Narinig mo iyon? Punta na kayo. Alis na.” wika ko. Nakasimangot namang umalis sa kuwarto ko si dwende.

          Eish, agad ko namang tinignan ang cellphone ko. Mga text galing kina Sheena at Wallace. Si Sheena, nagpapakuwento kung anong nangyari kagabi. Sinabi ko nalang na aksidente lahat. At hindi ko narin siya pinapunta dito sa bahay, baka mamaya kung ano-ano na namang itanong niya. reporter yung babaeng iyon eh. Si Wallace naman nangangamusta. Di ko pa pala nareplyan. Nakakahiya naman kung hindi ko replyan.

<Hello Wallace, sorry late reply. Maayos naman lagay ko. Medyo masakit parin yung balikat ko pero hindi na gaano di gaya kahapon.> Hmmn, ano kayang nangyari sa event? Kinuwento sa akin ni Sheena yung ginawa niya. Pero dapat talaga hindi iyon ginawa ni Sheena. Nagreply siya after a minute.

<Mabuti naman.>

<Ah, pwede ko bang itanong kung kamusta na si Arkin?> curious lang naman ako, eh kasalanan ko naman kasi yung nangyari.

<Ah, maayos naman siya, kagabi after ng event, dinala naming siya sa ospital. At na-x-ray siya. Wag kang mag-alala, hindi naman grabe yung bali niya. sinimento lang yung braso niya, in a few weeks okay na siya.>

<Ganun ba? Papaano yung bayad? I mean, magkano binayaran niya? Kailangan ko atang magbayad. Sabihin mo lang kung magkano.> eish, stupid. May pera ba ako?

<No Thia, okay na ang lahat. Hindi mo na kailangang magbayad.>

<Sorry talaga ha. Alam kong hindi sapat yung sorry, pero sana matanggap niyo ang sorry ko.>

<Naku Thia, wag ka sa akin mag-sorry.> Naku oo nga tama siya. Pero paano nga ako magso-sorry? Base sa reaksyon niya kagabi at sa reaksyon ng kaibigan niya, parang ni anino ko ayaw niyang makita. He thinks of me as a walking disaster. He even calls me trouble maker. Kung bakit ba kasi lagi nalang may nangyayari kapag nagkikita kami.

<Oo nga pala. Di ko lang alam kung paano magsosorry sa kanya. I mean, nakakatakot siya eh.>

He replied with this: <09091917135.>

<Bakit yang number?> tanong ko.

<That’s his number. Wag kang matakot sa kanya, he also has a soft spot. Just say it sincerely to him and I’m sure he will accept it.> wika pa niya.

<Sigurado ka? Tatanggapin niya ang sorry ko?>

<Thia, oo naman. I’m sure. Just be sincere.> wika pa niya.

<Salamat ha at saka sorry ulit.>

<Puro nalang “thank you” at “sorry” ang sinasabi mo sa akin.>

<Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Pero, seriously, salamat ng marami.>

<You can do it Thia. Just remember what I said. Be sincere.> wika pa niya.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon