Chapter 55 (Baby-Sitter)

411 13 0
                                    


Thia's POV

"Maam, wala na pong available table. Some insisted to wait for seats to be available." Wika ng manager ko.

"Okay, just let them rest sa lobby. Ikaw na bahala sa kanila ha." wika ko.

"Yes maam." Tugon nito at umalis.

Hindi na kami magkandaugaga sa kusina. Mukhang tama nga sila, kelangan ko nang maghire ng bagong chef. Hindi ko na kaya lahat ng gawain dito. Maya-maya nag-ring ang phone ko.

Si Arkin? Bakit naman ako tatawagan ni Arkin? I ignored his call. Whatever, I'll just pretend to be busy. Pero hindi ito tumigil sa pagri-ring.

"Hello?" medyo irritable ang tono ko.

"Thia."

"Bakit napatawag ka?" tanong ko pa. Para siyang hinihingal sa kabilang linya.

"Thia, I need you."

"Huh? Naka-drugs ka ba? Ano bang nangyayari sayo?"

"Thia! Listen to me, you need to come here right now. Hindi ko na kaya ito. I can't handle them both. They're both crying and they both need to be fed and I don't know what to do first." Wika niya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? You know what you're not making sense."

"The twins." Wika niya.

"The twins? Bakit?"

"They're with me."

"They're with you? Why?"

"Tauriel left them to me. She said she needed to..." napatigil siya nang makarinig ako ng malakas na iyak ng bata sa background.

"Can you please come right now?"

"Ha pero..."

"Please Thia, you're the closest here I can contact right now and you're the only person I could think of. Can you please come here?"

"S-sige. S-san ka ba?"

"I'm at my condo. I'll text you my address." Wika niya and hung up.

Nagmadali nalang akong nagpunta doon. Naabutan ko siyang hinihele ang kambal sa magkabilang braso niya. He was wearing a sando and shorts.

"What happened?" tanong ko at kinuha ko ang isa sa kambal na parehong umiiyak at nagwawala.

"May job interview si Tauriel so she left them with me. Sabi niya after four hours darating si PJ."

"Pero, bakit ba sila umiiyak?" tanong ko.

"I think they're hungry?" sagot niya. "I don't know. Ikaw ang babae kaya mas alam mo ang gagawin mo." wika niya.

"Hindi porket babae ako alam ko na ang gagawin. Ni hindi ko nga alam magpalit ng diaper!" wika ko. At aawayin pa ako nito?

"Okay, just go at magtimpla ka nalang ng gatas nila." utos pa niya.

"Ikaw nalang kaya." Tugon ko.

"I don't know how."

"Huh? Pumayag ka na bantayan sila tapos hindi mo pala alam kung anong gagawin mo?" inis kong wika.

"Correction, hindi ako pumayag. Basta-basta nalang iniwan sa akin itong mga bata."

Sa gitna ng bangayan naming lalo pang lumakas ang iyak ng dalawa at nakaamoy pa ako ng mabaho.

"Oh my gosh!" gulat kong wika nang makaramdam ako ng tila mainit sa tagiliran ko. Inihian ako ni Nicolli. Pagtingin ko wala palang diaper ang bata.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon