Thia's POV
So things have been going on smoothly for the past few months. Things became different for sure, but I have kept my solemn life. Halos nakatira na ako sa restaurant dahil ayaw kong umuwi sa condo or sa bahay. Pag sa condo ako uuwi, minsan nandun si Drew, minsan kasama si Arkin. Kung sa bahay naman, bunibisita ni Arkin ang kapatid niya doon at mga pamangkin namin. Ewan ko kung bakit ko siya kailangang iwasan pero i think its for the best.
"Chef may naghahanap po sa inyo." Wika ng aking manager.
"Sino daw?" tanong ko while I'm busy in the kitchen. Wala naman akong iniexpect na bisita.
"Thiaaaa!" narinig ko nalang sigaw mula sa pintuan as Sheena stormed in the kitchen.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Bakit masamang bumisita?" nakapameywang na wika niya sunod nun ay pumasok naman si Drew.
"Oo, masama, lalo na kung kasama mo si Drew na biglang bibisita. I smell something fishy. Ano na namang papagawa niyo sa akin?" tanong ko.
"Okay, we're going to Singapore." Tugon ni Drew.
"Ay naku, alam ko na naman ito. Sakin mo na naman ipagkakatiwala yung condo mo kasama na ung mga aso mo." wika ko.
"Exactly!"
"Bakit kelangan niyo pang pumunta dito?"
"Ay naku best. Halos tatlong araw ka nang hindi umuuwi ng condo. Sabi naman ni tita di ka rin umuuwi sa inyo. So ano? Balak mo nang magpagawa ng sarili mong kuwarto dito sa resto mo?"
"Eh, alam mo namang marami nang costumers ngayon. At saka mas maganda na kung dito ako natutulog no." tugon ko.
"Hay naku, kaya nga kami pumunta dito para icheck kung tao ka pa, baka nagtransform ka na into zombie." Singit naman ni Drew.
"Kelan ba alis nyo?" tanong ko.
"Mamaya na." tugon ni Sheena.
"Mamaya?"
"So kailangan mong umuwi okay?" wika ni Sheena. "By the way, I made a list of the things we need sa condo. Pati na rin yung kuryente at tubig natin. Teka I left it in the car. Kukunin ko lang." wika ni Sheena at nagmamadaling lumabas. Sinundan naman iyon ng mala pilyong tingin ni Drew.
"I know that look." Wika ko.
"Shhh. Wag kang maingay." Tugon ni Drew.
"So what's the agenda? Bakit sa Singapore pa kayo pupunta?" tanong ko.
He smiled and took out something from his pocket. A small box.
"Oh my God!!!" shocked kong wika as I covered my mouth.
"Yes. I've been waiting for this opportunity." Wika niya.
"Oh my God!" wika ko ulit sabay yakap sa kanya.
"Hey Thia, sorry di kita type!" wika niya.
Hinampas ko siya sa balikat. "Sira!"
"You think she'll accept it this time?" tanong niya na biglang sumeryoso and mukha.
"Bakit naman hindi?" tugon ko.
"Thank you Thia." tugon niya with a serious look in his face. I trust him so much. Alam kong mahal na mahal niya si Sheena. They're really meant for each other. Naiiyak ako pero kelangan kong pigilan, one day Sheena will get married at hindi na kami magkakasama sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...