Chapter 10 (Close to you)

670 17 7
                                        

Drew’s POV

“I like you.”

Bigla siyang natulala. Yung reaksyon niya, it was priceless. Napansin ko parang namula pisngi niya. Hindi siya nagsalita.

“I like you Sheena.” Wika ko ulit. Inalis niya yung kamay ko sa balikat niya.

“Late na ako.” Wika niya. Pero parang wala parin siya sa sarili niya. Ang cute niya talaga.

“Ihahatid na kita sa classroom niyo.” I offered her then kinuha ko yung hawak niyang bag. Then I held her wrist. She’s still speechless at hinayaan niya akong kaladkarin siya. Alam ko naman kung saan yung room nila kaya no need to ask her. Nagtitinginan ang mga tao sa amin. Of course, they know me. Our band is kind of big in our school. And then we’re in front of their classroom.

“Andito na tayo.” I told her.

“Ha?” para siyang nawawala sa sarili niya. I smiled.

“Okay ka lang?”

“Ha?”

“Eto ang bag mo.” Iniabot ko yung bag niya.

“Salamat.” Yan lang ang sinabi niya.

“I have to go. Baka malate na ako. See you soon.” She did not respond. She just looked at me tapos pumasok na siya sa loob ng classroom nila. Man. She is so cute.

“Hey, saan ka ba nanggaling?” narinig ko. Nakabalik na pala ako sa classroom. Kanina ko pa iniisip yung nangyari kanina eh. Nakatingin sa akin si Wallace.

“Ah eh, wala somewhere.” Sagot ko.

“Saan naman yang somewhere na yan?” tanong naman ni Lian.

“Basta.”

“Naku ha, may ginawa ka na namang kalokohan ano?” tanong ni Lian.

“Hindi ah, wala.”

“Hmmn, bakit sabi ng isang classmate natin nakita ka niya sa may building ng sophomores?” tanong ni Ace.

Patay. Nakita kaya nila akong kasama si Sheena?

“Ha? Wala napadaan lang ako.” Defensive na ata ako.

“Oiy Drew, tigilan mo kami sa mga ganyan mo. Yang mga ngiting yan. Alam ko yan eh. May bago ka na namang nililigawan ano?” tanong ni Lian.

“Ha? W-wala no.” sagot ko.

“Speaking of that, ngayong fourth year wala ka pang pinapakilalang girlfriend sa amin ha. So single ka ngayon kasi nga nagbreak kayo nung Yesha nung summer.” Etong Lian na eto tsismosa din.

“Akala ko ba si Mariane yung huling girlfriend mo?” tanong naman ni Ace.

“Tigilan niyo nga ako. Hindi wala. Wala akong girlfriend. Maybe it’s time to focus on my studies.” Tugon ko.

“I don’t think you can live not having a girlfriend.” Wika naman ni Arkin na kanina pa pala nakikinig samin.

“Pati ba naman ikaw?” angal ko kay Arkin.

“What we are saying is, hindi mo naman kailangang maglihim if you’re seeing anyone.” Wika ni Lian.

“No, I’m not seeing anyone. Just..” nag-alangan ako.

“See, someone caught your eye?” tanong ni Ace.

“Fine, yes at doon ako galing kanina.” Guilty much.

“So who’s the lucky girl?” tanong ni Lian. Imbestigador talaga itong babaeng ito.

“Wala. Just someone and I think I got dumped.”

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon