Arkin’s POV
I need air. Kung bakit pa kasi dito pa nila napiling kumain. I need a break. Puro tungkol sa school activities nalang ang bukambibig nila all week long. I can’t even remember the last time I went to this mall to enjoy and not to discuss anything about fundraising. I decided to go to the bookstore. I need to buy a new book to read. Agad kong hinanap yung librong matagal ko nang gustong bilhin. It’s been out for a while pero wala na akong time bumili. I wonder kung meron pang kopya nun. Agad ko iyong hinanap. Oh, there it is, I was about to get it when somebody also grabbed it, now we’re now holding the book.
“Excuse me?” wika ko. Tinignan ko yung may hawak ng libro. Isang babae. I don’t know but I think I saw her before.
“Ha? Mr. Sungit?” wika nito.
“Ha? What?” tanong ko. What did she just call me? Hawak parin namin ang libro.
“Akin to.” Wika niya. sabay hila ng libro pero di niya tuluyang nahila dahil mahigpit ang pagkakahawak ko sa kabilang dulo. I saw it first.
“Excuse me miss. Ako ang unang nakakita nito. Let it go.”
“Ha ha ha! Ako ang unang nakahawak dito.” Giit niya. Halos nakayuko ako, she’s small samantalang nakatingala naman siya.
“Teka nga, it’s mine.” Wika ko. I looked at the sales lady and she’s looking at us. I asked her: “Miss, may kopya pa po ba kayo nito?” She shook her head. What? I looked at her again. She seems determined to get the book. The hell I care, I also waited for the book for months. Kung minamalas nga naman. Why of all places and of all people?
“Akin to.” Matigas niyang wika. We’re still holding the book at naglakad kami papuntang counter glaring at each other. Literally.
“Let go of it.” I’m not giving it up either.
“Ikaw ang bumitaw.”
“Hey, miss, what do you want?”
“Ha? Bribery? I want this book. At naghanap na ako sa ibang bookstore, pero wala na. Halos buong araw akong naghanap no tapos aagawin mo lang?” wika niya.
“Hey, don’t make it sound like I took it from you. Ako ang unang nakakita.” Wika ko.
“Next please.” Wika ng babae sa counter. Ha?
“Let go.” Wika ko ulit.
“Kids, bibilhin niyo ba yung libro o hindi? Madami pa kasing nakapila oh.” Wika ulit ng babae sa counter. Nakapila na pala kami sa counter. Ni hindi ko manlang namalayan. Tumingin ako sa likod at mahaba na ang pila.
“Kids?” wika ulit ng saleslady.
“Now let go.” Wika ko ulit.
“Never.” Wika niya.
“Hey, wag nga kayong mag-LQ dito. Just buy the book and get lost!” tila galit na wika ng taong nasa likod namin.
Agad kong binuksan ang bag ko ang reached for my wallet. Kinuha ko ang 400 pesos at iniabot sa counter, but she also reached at nag-aabot din ng 400 pesos.
“Sino ba ang bibili sa inyo?” tanong ng counter.
“Ako.” Sabay naming sagot.
“Excuse me, pero nakakaabala na kayo. If you can’t decide kung sino ang magbabayad nito, kukunin ko nalang nag tig-200 pesos ninyo para walang away.” Wika ng babae sa counter and she did it leaving us speechless. Hawak hawak parin naming dalawa yung libro. Ni hindi na namin pinaplastic and then we’re out of the bookstore.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...