Chapter 19 (Three points sa puso mo)

656 18 0
                                        

Sheena’s POV

Intramurals na. Nandito ako ngayon sa gym. Bukod sa kailangan kong magtake ng pictures eh siyempre kailangan kong suportahan si bestfriend. Kailangan ko nang bumawi sa kanya. Medyo hindi ko na kasi siya nakakasama lagi. Lagi ko kasing kasama yung ugok na iyon. Si Drew. Haay, lagi kasing nakabuntot sa akin. At saka nakakatulong din naman siya sa mga gawain ko. Tulad ngayon, siya ang pinagbuhat ko ng mga gamit ko.

“Babes, eto nga mga gamit mo.” Wika ni Drew habang dala dala mga gamit ko.

“Babes ka diyan, ano ako baboy? Ang tagal mo naman. Nagsimula na yung first game.”

“Ngayon ka pa nagreklamo eh gusto mo din namang tinatawag kitang babes!” wika niya, binato ko nga ng pouch.

“Ayan ka na naman, nambabato ng pouch.” Wika pa niya.

“Ewan ko sayo ang tino mo talagang kausap.”

“Sana sa susunod puso mo naman ang ibato mo sa akin at sasaluhin ko iyon ng buong puso.” Ayan na naman. Araw-araw siyang ganyan. Nakakasuya na nga eh. Tinginan yung mga ibang nasa gym sa amin.

“Tumahimik ka na nga. Akin na nga yang mga gamit ko. Umalis ka na.” wika ko habang kinukuha mga gamit ko sa kanya.

“Hindi ako aalis. Sasamahan kita.”

“Akala ko ba may gagawin kayo?”

“Wala na. Tinapos ko na kagabi yung project ko. Siyempre hahayaan ba naman kitang mag-isa dito? Baka mamaya may biglang umaligid sayo.” Wika niya at umupo sa tabi ko. Nasa harap ako para makunan ko ng maayos yung mga naglalaro. Sigawan naman yung mga tao sa likod. Maganda ang takbo ng laban. Men’s basketball ngayon. Mamaya naman sina Thia.

“Sus, if I know gusto mo lang makita yung mga nagchi-cheer sa mga players eh.” Wika ko. Kanina pa siya nakatingin sa mga seksing babae sa harap eh. Akala niya hindi ko nakita?

“Hindi ah.”

“Anong hindi, eh kanina ka pa nakatingin sa mga cheerdancers eh.” Reklamo ko.

“Hindi kaya.” Wika ulit niya.

“Ay naku, tigilan mo ako Drew. Kung gusto mo nga kunin ko mga number nila at ibigay ko sayo eh.” Tapos tinignan niya ako. Yung tingin na parang may nagawa kang kasalanan. “Oh? Ano yang tingin na yan?” tanong ko.

“Uy, selos.” Wika niya. ha? ako? Selos? Ang kapal naman nito.

“Anong selos? Kapal mo!” wika ko at sinampal ko siya, mahina lang naman yung dadapo lang yung kamay ko sa pisngi niya at aba, hindi siya umiwas. Tapos hinawakan niya yung kamay ko!

“Selos ka eh.” Wika niya. malambing yung tono ng boses niya.

“Hindi nga! Bitawan mo nga yang kamay ko!”

“Wag kang magseselos, ikaw lang naman eh.” Wika niya.

“Wala akong paikalam! Bitiwan mo…” diko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla niyang hinalikan yung kamay ko. Yun bang parang prinsesa. Yung ginagawa ng prinsipe kapag first time niyang name-meet yung prinsesa, hinahalikan niya sa kamay. Huwaat? Biglang nag-ingay sa gym. Pagtingin ko eh, nakapuntos yung isang player. Huwaah hindi ko nakunan!

“Bitiwan mo nga ako! Ayan tuloy hindi ko nakunan yung nag-shoot!” reklamo ko sa kanya finally retrieving my hand. Ngumiti lang siya, yung usual na pilyong ngiti niya.

“Ang cute naman ng babes kong magselos.” Hirit pa niya.

“Sinabi ko nang hindi ako babes eh!”

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon