10 years later...
Thia's POV
"Naku Thiang bilisan mo, nandiyan na sila!" sigaw ni mama mula sa labas.
Nandito ako sa kitchen aligagang-aligaga habang si mama naman panay ang sigaw na para bang nanganganak. Kanina pa siya nagpapanic.
"Opo mamang! Andiyan na po!" sigaw ko napaso pa ako.
Ano ba yan. Pinag-dayoff pa lahat ni mamang yung mga kasama namin dito sa restaurant mag-isa ko lang tuloy nagluluto.
"Thiang, andiyan na sila!" sigaw na pa ni mamang at pumasok na sa loob ng kitchen.
"Oo nga po mamang patapos na." inis kong wika. Naku naman, imbes na day-off ko ngayon eh eto ako pa ang nagluluto sa sarili kong restaurant.
Ah, oo nga pala. Chef na ako. Itong restaurant bago palang, isang taon palang. At anong okasyon at bakit aligaga si mama?
Two days ago.
"Mamang, papang may sasabihin po ako sa inyo." Wika ni Paul Jake, a.k.a. PJ. Ayaw na daw kasi niya yung pangalan niyang PJ, pambata daw kasi. Binaligan ko siya ng tingin. Istorbo itong lalaking ito. Ang sarap ng kain namin eh. Linggo ngayon at nagkataong kompleto kaming lahat sa hapag-kainan.
"Ano na naman ba yan?" tanong ko sa dwendeng kaharap ko, este hindi na pala siya duwende kasi mas matangkad na siya sa akin.
Marahil magrereklamo na naman siya sa bago niyang trabaho. Kakapasa lang kasi niya ng board exam para sa engineers. Oo engineer na si PJ este Paul Jake. Akalain mo yun? Tinitigan niya ako ng masama.
"Ah eh, kasi po..." tila nag-aalangan siya.
"Bakit may kalokohan ka na namang ginawa sa trabaho? Mag-iisang buwan ka palang ah." wika ko.
"Thianak tumahimik ka nga." Wika niya pa, I hahagis ko sana yung hawak kong tinidor sa kanya nang titigan ako ni mamang.
"Kayong dalawa wala na kayong pinagbago. Ang tanda-tanda niyo na nag-aaway parin kayo sa harap ng hapag-kainan."
"Ano bang sasabihin mo Paul?" tanong ni papang.
Tila kabado siya. Nanginginig ang mga kamay niya. Nahalata ko ring pinagpapawisan siya.
"Mamang, papang kasi po..." nag-aalangan parin siya.
"Kung ano man yang sasabihin mo siguraduhin mo lang na importante, sinasayang mo ang oras ko at..."
"Buntis po si Tauriel." Biglang wika niya dahilan para hindi ko na maituloy ang sasabihin ko.
"Ano?" bulalas ko at napatayo ako sa upuan ko. napatingin ako kina mamang at papang na natahimik pagkarinig nun.
"Buntis si Tauriel." Wika niya ulit. Nabitawan ko ang hawak kong tinidor at bumagsak iyon sa plato ko. Napatingin kaming lahat kay mamang nang humawak siya sa dibdib niya.
"Mamang..."
"Bu-buntis?"
"Sorry po mamang, papang."
"Sa tingin mo may time ka pang mag-sorry ngayon, kumuha ka ng tubig dali!" utos ko habang pinapaypayan si mamang na hindi ko mawari kung mahihimatay ba o ano. Nang mahimasmasan na sina mamang at papang. Nasa sala na kami at kanina pa tahimik ang mga magulang ko. tinitigan ko ng masama si Paul Jake.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...