Wallace’s POV
I’m on my way to Thia’s classroom. Sabi niya kasi sasama daw siya sa akin sa library mamaya para magreview. Susunduin ko nalang siya. Habang paakyat ako ng hagdan nakita ko si Arkin, leaning on the wall. His eyes were closed. What’s the matter? Lalapit sana ako nang makita kong palapit si Thia sa kanya.
“Arkin?” she said. Arkin opened his eyes. “Arkin? Okay ka lang?” tanong niya. si Arkin parang gulat yung reaksyon niya. Anong ginagawa niya dito sa building ng mga sophomore?
“What?” tanong ni Arkin.
“I was passing by, tapos nakita kita. Tapos, hindi mo yata ako naririnig.” She said. Arkin wiped his cheeks. Umiiyak ba siya? “Okay ka lang?” tanong ulit ni Thia.
“Ah, y-yes.” Sagot niya.
“U-umiiyak ka ba?” she asked again. Tinignan lang siya ni Arkin. tapos ngumiti siya.
“I have to go.” wika niya.
“Ha? Pero.” She seems concerned. Arkin just tapped her shoulder.
“Thank you.” Wika niya and then he left. I looked at Thia parang natulala siya. agad ko siyang nilapitan.
“Thia?” tulala parin siya.
“Ha? Oh, Wallace, ikaw pala.”
“Bakit tulala ka yata?” tanong ko.
“Ha, ah eh, wala. O paano, tara na sa library.” Wika niya.
“Sige.” I just pretended na hindi ko nakita yung nakita ko kanina. I looked at her. She’s blushing. Why is she blushing?
“Wallace, gaano mo na katagal kilala si Arkin?” tanong niya bigla. I looked at her. Bakit bigla nalang siyang nagtatanong ng tungkol kay Arkin?
“Ah, since elementary.” Tugon ko.
“Ganun na ba talaga siya dati?”
“What do you mean?”
“I mean, ganun kasungit, ganun ka-cold, tahimik?” I just smiled. Tumingin ako sa paligid naglalakad kami papuntang library. All of a sudden, nagtatanong na siya tungkol kay Arkin.
“He was once a cheerful boy. Madaldal, masayahin, makulit…” inaalala ko ang nakaraan. I looked at her again, she was silently listening to me. I realized what I just said was completely the opposite of who he is right now. Nakita ko din ang confusion sa mukha ni Thia.
“Masayahin?”
“Teka, bakit mo nga pala natanong?” I asked. I was curious too. I think I know the answer but I just let it go. It can’t be.
“Ha, ah w-wala lang. Para kasing minsan mabait siya, minsan naman bumabalik na naman siya sa pagigin masungit.” I looked at her again. Hindi ako nagsasawang titigan ang maganda niyang mukha.
“Nag-iba lang naman siya since his parents separated.”
“Ganun ba.” She suddenly looked sad.
“Kaya siya ganun, maybe that’s his own way of coping. At such a young age, nawalan siya ng magulang at si lola Remy nalang ang nagsilbing magulang niya all these years.” She still looked so sad. I want to comfort her. I hate to see her sad.
“Nakokonsiyensa tuloy ako sa mga nangyari sa kanya.”
“Thia tapos na yun. Wag mo nang isipin yun. Ang mahalaga, okay na siya ngayon.”
She then smiled. “Naku, salamat ha. Ang bait bait mo sa akin kahit ako ang dahilan kung bakit nadisgrasya si Arkin ng maraming beses.”
“Wala yun.” Tugon ko as we approached the library. “Oh, andito na pala tayo.” I opened the door for her. Pumasok siya at sumunod ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...
