Chapter 18 (When confusion strikes)

607 21 0
                                    

Thia’s POV

Pagpasok ko sa ER nakita ko si Arkin nakahiga siya sa isang stretcher nakapikit mata niya. Hindi parin ako makapaniwalang ginawa niya yun. Ngayon lahat ng inis ko sa kanya nawala na. Puro guilt nalang ang natira. Tinignan ko siya. Yung kamay niyang may benda. Yung ilong niyang namamaga lang last week. Tapos sa ulo niyang nagkasugat, ako lahat ang may kasalanan nun, kahit pa unintentionally, kasalanan ko parin. Nilapitan ko siya, umupo ako sa upuan.

“Sorry talaga.” I softly said. Hiyang-hiya na ako sa lola niya. Ni hindi ko na nga siya matignan sa mata. Tapos minulat niya mata niya. Shocks, nagising ko ata siya.

“Arkin, okay ka lang? Kailangan ko bang tumawag ng nurse?” tanong ko and I stood up. Pinigilan niya ako by holding my wrist.

“Hindi, I’m fine.” Tugon niya. Umupo ulit ako.

“Kumusta na pakiramdam mo?”

“Okay lang ako. Sabi naman nila makakauwi din ako mamaya. How about you?” tanong niya.

“Ha?” I didn’t expect na tatanungin niya ako ng ganun. I was expecting na sisigawan niya ako at sisisihin sa nangyari.

“Kanina, you were so scared. Bakit? How did you end up being chased by the dog?” tanong niya.

“Hindi ko alam eh, nung kinahulan niya kasi ako, tumakbo na ako.”

“Next time kasi wag kang tatakbo.” Wika niya pero malumanay lang boses niya.

“Ah, s-sorry talaga.”

“I said it’s fine. Sanay na ako.”

“Hay, tama ka nga, lagi ka nalang napapahamak dahil sa akin. Dapat pala hindi na ako pumunta sa party. Sorry ha, hindi ko naman alam na pupunta ka din pala.”

“Do me a favor, just stop apologizing and stop blaming yourself para sa mga bagay na hindi mo naman makokontrol. Aksidente lang ang lahat.” I can’t believe he’s saying that. Hindi ako sanay eh, mas sanay ako na sinisisi niya ako, mas sanay ako na galit siya sa akin.

“Pero.”

“Just go home. Dis oras na ng gabi. Baka hanapin ka na sa inyo.” Wika pa niya.

“Sigurado ka bang okay ka lang?”

“Yes, I’ll be fine.”

“Pero paano yung bayad sa…”

“Just go home. Don’t worry about anything. Si lola na ang bahala.” Tugon niya.

“Pero.” Tapos tinignan niya ako ng kanyang killer eyes as if warning me not to say a word anymore. “Si-sige, aalis na kami ni Wallace. Sorry ulit at salamat. Pagaling ka ha.” wika ko. Tumango lang siya tapos umalis na ako. Sinalubong ako ni Wallace sa may pintuan.

“Okay na?” tanong niya. Tumango lang ako. Naramdaman ko na yung kamay ko, medyo mahapdi yung mga gasgas ko. Naramdaman ko narin yung pagod ko at nangangalay na braso ko hanging on to that branch.

“Oo, salamat.”

“Ihahatid na kita sa inyo.” He offered.

“Hindi na, kaya ko na.”

“Okay lang, gabing-gabi na. ihahatid na kita.” Giit ni Wallace. As we started to walk dumating sina Drew, Sheena at Yana.

“Guys, asan si Arkin?” tanong ni Yana. Gamit parin niya yung dress niya. Nahiya nadin ako sa kanya. Nasira ko yung party niya.

“Nasa loob siya. Okay naman daw ang x-ray niya. Pwede narin daw siyang umuwi later.” Tugon ni Wallace.

“Naku Thia okay ka lang?” tanong ni Sheena sa akin.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon