Chapter 51 (Loser)

437 14 0
                                    

Thia's POV

Just like that, kinasal sina Paul Jake one month after the engagement at ngayon sa bahay na sila nakatira kasama sina mamang at papang. Siyempre, si Paul Jake din naman ang magmamana ng bahay kaya no need to buy a new house for them. At heto ako, nandito ako for the usual once-a-week dinner namin.

"Thiang gumising ka na't kakain na tayo. Ngayon ka nga lang nauwi tulog lang ang ginagawa mo." Narinig kong sigaw ni mamang mula sa labas ng kuwarto ko. Urghhh.

"Oy! Thianak! Gumising ka na nga diyan!" narinig kong kumakatok si Paul Jake. Agad akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto. Aba, bakit ang ayos ng suot nitong lalaking ito eh dito lang naman kami sa bahay.

"Oo na bababa na." tugon ko at agad ko lang kinuha yung sweater ko.

"Oh, halika na't tulungan mo akong i-set itong table." Wika ni mamang. Agad ko siyang tinulungan pero napansin kong parang ang dami yata niyang nilabas na kubyertos eh lilima lang naman kaming kakain.

"Mamang, bakit ang dami yatang extrang pinggan?" tanong ko pero bago pa man ako makasagot, dumating si Tauriel sa dining room.

"Mamang, andito na po sila." Wika niya.

"Ah sige, tamang-tama handa na ang dinner." Tugon ni mamang.

"Sinong bisita?" tanong ko pagkatapos i-set yung table. Then bigla nalang akong hinila ni Tauriel.

"Halika ate." Excited niyang wika.

"T-Teka yung..." hinila na talaga niya ako at hindi na ako nakapalag. Kung bakit? Kasi ako lang naman ang pinaglilihian nitong si Tauriel. Sa dinami-dami ng paglilihian niya, ako pa. Hindi ko tuloy siya pwedeng tanggihan. She led me towards the sala pero laking gulat ko nang makita ko kung sino yung bisita, teka gulat nga ba ako o hindi lang ako sanay?

"Ma, kuya, andito din si ate Thia!" masaya niyang wika. Nakatingin lang ako sa kanila. Eish, kaya pala bihis na bihis si Paul Jake kasi darating ang in-laws niya. Ni hindi manlang niya ako sinabihan, eh nakapajama lang ako.

"Ah, he-hello po." Tugon ko kay tita Agnes.

"Iha, it's nice to see you here. It's been a long time since I last saw you. Di bale, some other time, I'll visit your restaurant." Wika niya.

"Ah, nice to see you din po. Napauwi lang po ako kasi itong si Tauriel..."

"Oh, I heard ikaw daw ang pinaglilihian niya. That's unusual." Wika ni tita.

"Oo nga po eh." Tugon ko at ngumiti lang ako kay Arkin.

"Hello." Wika niya. Nakacorporate attire siya. He looks so manly now.

"Ah, pumunta na po tayo sa loob, ready na po ang dinner." Wika ko as I led them towards the dining room.

"Naku balae, sorry kung ngayon lang kami nagkaroon ng panahon para pumunta dito. Madami kasi kaming inaayos ngayon."

"Naku okay lang balae. Maupo na kayo at kumain na tayo." Tugon ni mamang habang kami naman ni Tauriel naupo na. Siyempre magkatabi kami. kulang nalang pagselosan ako ni Paul Jake kasi laging nakadikit sa akin si Tauriel pag andito ako sa bahay.

"Naku balae, matagal ko nang gustong matikman ang luto mo at sabi nitong si Arkin, masarap daw ang mga luto mo." Wika ni tita Agnes. Napatingin ako kay Arkin, ngumiti siya sa akin.

"Naku oo nga pala, dati nang nagpupunta dito si Arkin sa bahay. Kelan nga ba yun iho?" tanong ni mamang kay Arkin.

"Ah, noong naiwan po ni Thia si PJ sa school at malakas ang ulan." Tugon ni Arkin I saw Paul Jake glared at me.

T.L. Ako Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon