Thia’s POV
Exam week na. Hay, hirap naman. Aaminin ko naman na hindi naman ako ang pinakamatalino sa klase. Yung section ko second star section lang. naalala ko tuloy yung sinabi ni Drew tungkol dun sa Noemi. Matalino, maganda, bakit ba may mga taong nasa kanila na ang lahat?
“Thianak. Sabi ko bilisan mo na.” wika ni PJ. Ha? kanina pa pala siya nagsasalita. Papunta na kami sa classroom niya.
“Oo na mabilis na nga ako.”
“Ang bagal mo kaya. Baka mamaya ma-late pa ako dahil sayo. Bakit ba kasi tulala ka diyan?” tanong niya.
“Wala. Oh, eto na baon mo. Bilisan mo na.” wika ko nang malapit na kami sa classroom. Hanggang dun nalang ako. Ayaw na ayaw niyang nakikita ako ng mga classmate niya. nahihiya daw siya. Sus. Alas otso na. Mamayang 9 pa ang start ng exams namin. Per schedule kasi yun. Asan na kaya si Sheena. Hmmn, sigurado magkasama na naman sila ni Drew ngayon. Hindi ko na siya pinapakialaman. Since nakikita ko naman na kahit lagi silang nagaasaran, mukhang masaya naman siya. Hindi ko nga lang alam kung ano talaga silang dalawa. Ayun, madalas na tuloy kaming mag-lunch kasama ang grupo ni Drew. Sa katunayan nga parang parte narin kami ng barkada. Si Arkin lang talaga ang cold. Never niyang tinikman ang luto ni mama. Lagi lang siyang umoorder ng lunch niya kahit marami naman akong dala. Hindi rin siya nagsasalita. Magsasalita lang siya kapag may tinanong sa kanya. At hindi narin niya ako kinakausap. Ayun, si Wallace nga pala ang mas nakakausap ko ngayon. Pati si Lian. Ang bait bait nila.
Sa may oval na ako dumaan since mas mabilis kung tatawirin ko yung oval papunta sa school building namin. Umupo nalang ako sa may ilalim ng puno. Siguro mas masayang magreview dito. Maingay kasi sa classroom namin. Ang sarap ng simoy ng hangin. Humiga ako sa damuhan. Nakakasilaw yung sikat ng araw. Ang ganda ng langit, maaliwalas. Pinikit ko yung mata ko. Inhale, exhale. Tapos narinig ko parang may mga yabag ng paa na papalapit. Minulat ko mata ko tapos nagulat ako sa nakita ko.
“Huwaaaaaaaah!” sigaw ko.
“Mukha ba akong multo?” si Arkin. Natakpan ng mukha niya yung sikat ng araw. Anong ginagawa niya dito? Bigla akong bumangon. Tapos pag-upo ko nauntog yung ulo ko sa ulo niya, malakas. Para akong nakabundol ng sementong pader.
“Araaaaay!” wika naming pareho. Napaupo siya tapos nakahawak siya sa noo niya. Hala, eto na naman eh. Gulo na naman ito!
“So-sorry!” wika ko. Tapos nakita ko yung ilong niya dumudugo!
“Ano ka ba? Bakit ka ba biglang bumangon?” wika niya.
“Y-yung ilong mo dumudugo.” Wika ko. Tapos humawak siya sa ilong niya. agad kong kinuha yung panyo ko at iniabot ko sa kanya. “O heto. Pu-punasan mo yang dugo. Kukuha lang ako ng ice.” Nakuuu! Kailangan kong umalis dito bago pa man siya magngangangawa na naman. Pumunta ako sa may tindahan at bumili ng ice. Pagbalik ko nandun parin siya nakaupo sa damuhan. Ano kasing ginagawa niya dito?
“O, heto.” Wika ko tapos binalot ko yung ice ng tuwalya. Nilagay naman niya iyon sa ilong niya. Aba hindi yata siya nagsasalita. Nagtataka akong nakatingin sa kanya.
“What?” tanong niya.
“Ah, okay ka lang ba?” tanong ko.
“When will I stop hearing those words from you?” tanong niya.
“Ah, eh, sorry.”
“That too.” Wika ulit niya.
“Eh, hindi ko naman sinasadya. Bakit kasi nang-gugulat ka? At saka bakit ka nandito?” tanong ko. Tapos bigla siyang natahimik.
“I-I was passing by. Doon ako sa bleachers nagrereview. Then I saw you. I just checked on you.”
“Ha?”
BINABASA MO ANG
T.L. Ako Sa'yo
RomanceNaniniwala ka ba sa true love? Ano nga ba ang true love? Sino ang true love mo? This is the story of the cold-hearted guy Arkin, the sassy girl Thia, and the guy who doesn't know how to frown, Wallace on their journey on finding what you call TRUE L...