Chapter 32: "Treat you like a Rose"

68 5 3
                                    

"YOU TREAT ME LIKE A ROSE"
"YOU GIVE ME OPEN DOORS"
"YOU SHED THE LIGHT UP ON ME"
"AND GAVE ME AIR SO I CAN BREATH"
"THE OPEN DOORS ARE CLOSED"
"AND THE WORLD COULD MAKE A THING GROW" oooohhhhhh
"TREAT YOU LIKE A ROSE"

Naaalala ko pa yung sinabi sa akin ni Ms. Arcie na kinantahan daw siya ng ex-boyfriend niya noon ng "Treat You Like a Rose" kaya naman ni-reasearch ko yung kanta para magawan ko ng sarili kong version eh... So ayun... Kinakanta ko muna yung original bago ko icompose ng akin ;)

(*pumasok si Karlene sa kwarto ko)
"KUYA! Tara na at aalis na tayo!!!". Lumabas na ako sa kwarto at naghanda ng gamit, papunta kasi kami ngayong Batangas at makikipiyesta sa Tita ko, ilang weeks nalang ay paalis na sina Mama at Papa kaya susulitin na namin ang mga moments namin together with Mama and Papa :) HAY! Napakasaya... Sumakay kami sa inarkila nina Mama at Papa na Jeep at kami'y naglakwatsa na! So kumakain kami sa habang nasa biyahe..Kinausap ako ni Papa about samin ni Daniela. "Nak! Saan ba kayo nagkakilala ni Daniela?". Sabi ko naman "Papa, sa Chat po, one year chatmate, one year MU, tapos last month lang po ako sinagot at ganap na kaming mag-girlfriend. Nagulat naman si Papa sa nakinig niya at sinabing "ABA anak! Mahaba ding lakbayin yaon! HAHAHA!" Pa-entrada naman si Mama at sinabing "Anak, basta pagbutihin niyo muna studies niyo ha, para at least may magandang kahahantungan ang mga buhay niyo bago kayo magkaroon ng sariling pamilya" Sinagot ko si Mama ng mahinahon at patuloy kaming nangangaij ng mga baon naming chichirya, softdrinks at burger sa biyahe.. Ang saya naming magkakapatid lalo na sa biyahe.. Haha tawanan, kwentuhan ng mga buhay-buhay namin... Kasi naman cherish the last moments na kasi paalis na sina mama at papa at babalik na sa abroad.. Nakakamiss din itong ganito.. Kasi once in a year lang ito mangyayarinsa amin na buo kaming pamilya at magkakasama..

After a 2-hour drive ay nakarating na din kami sa Batangas at agad namang pumunta sa bahay ng Tita ko na si Tiya Kuling , siya ang pinsanin nina Mama kaya namang maghapon kaming todo kain at videoke... Mga ilang oras pa ang lumipas ay kita kong tumatawag si Daniela sa cellphone ko at sinagot ko.

*BHE-BHE DAniela ^_^* Calling

(CONVO)

Averone- Bhe? O Bakit nasa Tita ako...

Daniela- Bebe, may narinig ako sa kapitbahay na may naghahanap daw sayong babae?

Averone- ah? Eh? Sino naman daw?

Daniela- Walang sinabi basta't ang sabi nung napagtanungan ay magara daw ang pananamit at naka-kotse, tsaka mukhang college grad lang daw eh... Di kaya bhe?.............. Si Charlene Yun?

Averone- No Imposible! Hindi mayaman sina Charlene at hindi ko na alam kung saang lupalop ng mundo naglalakbay ang hudas na yun! (Napakalma ang sarili at...) sorry bhe.. Ayoko lang isipin yang babaeng yan..

Daniela- Sorry din talaga.. Pasensya na.. Sige bhe.. Have fun muna sa Tita niyo.. I Love You..

Averone- I Love You too...... Pasensya na...

I hate to think na si Charlene nga yung nagtatanong at naghahanap sa akin... Pero the last time I checked ay magara na nga si Charlene... Like nung sa SM Sta. Rosa, shopping like forever siya with her friends tsaka nung nakita ko siya sa may Red V Street, tila pang socialite ang dating at nakakotse... Mayaman na nga si Charlene... Not the Charlene na dati kong minahal... Hindi ko na lang binanggit kay Daniela ang mga bagay na iyon dahil alam ko na pag sinabi ko sa kanya iyon ay mag aaway kami at maghihisterical yun... Sorry Daniela.. Kailangan ko munang magsinungaling para sa ikatatatag ng relasyon natin.. I Love You at ikaw nalang ang mamahalin ko.. Pangako.. NO MORE CHARLENE! Mahal na mahal na mahal kita... Kaya naman pagkatapos kong ibulsa ang cellphone ko ay nag back to business na ako at nakisama na ako sa pamilya ko pati narin sa ibang mga nakikipiyesta.. Masaya naman... Pero paulit ulit padin sa utak ko amg babaeng naghahanap sa akin... Charlene, please kung ikaw mam yan, TIGILAN MO NA AKO! Please lang! Ayoko na! Hayyy gulay! Buhay nga naman !

Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon