Chapter 5: Tormented Feeling; Greatest Heart's Concern

201 8 2
                                    

Nakakalungkot naman ang nangyari sa bahay, nagka dengue si Karlene, akala ko nung ay simpleng lagnat lang pero may lumalabas na rashes at mga butol na pula na parang pantal sa balat niya, kinabahan ako, kaya biglaan kong iniwanan ang lahat ng mga kailangan kong tapusin at bumulas kami ng takbo pahospital, dinala namin si karlene sa pinakamalapit na Hospital, may dala akong kaunting pera ngunit hindi ito sapat sa mga Medical Expenses ni Karlene, ipinadeport ko muna sya sa Ward from Private room kasi hindi ko kaya sa mahal ng gastusin, medyo nahirapan ako sa pera kaya nangutang muna ako kay Derrick ng P3600 (pesos) at kay Lucky naman ay P2500 (pesos) nagbigay din ang ilan sa mga malalapit kong kapitbahay gaya ni Aling Diana, na nakakatulong namin sa paghahakot ng basura sa paglinis namin sa bakuran ay nagbigay din at nagmalasakit kahit kapos sa buhay, tutal solo lang naman siya sa bahay ay naisipan niya munang magbantay kay Karlene.

Hindi padin sumapat ang mga pera na nalikom ko mula sa mga kaibigan at kakilala ko, isinangla ko na din ang ilan sa mga alahas ko na pinaipunan ko habang nandito pa sina Mama at Papa, bumigay naman ang loob ko ng makita ko si Karlene na naiyak sa sakit ng tiyan, ayon sa doctor, isa sa mga symptoms ng dengue ay ang "Abdominal Pain" mangiyak-ngiyak naman ako hindi dahil sa gastusin, kundi dahil sa kundisyon ng kapatid ko.

Inihabilin ko muna si Zandry at Ryan kay aling Diana habang ako'y kumukuha ng mga damit at mahahalaga pang gamit na kailangan namin habang hindi pa nadidischarge si Karlene sa Hospital. Hindi makanali si Mama at Papa sa nalaman nila kaya naisip nilang magpabook ng Flight pauwi dito sa Pilipinas, humingi ako ng tulong sa iba pang kapamilya. Dumalaw sina Tito at Tita na pinsan nina Mama mula pa sa Baguio, si Kuya din na kapatid na bunso ni Papa ay dumalaw at namahala sa ilang papeles na kailangan ni Karlene sa Medication niya.

Humingi ako ng pasensya sa mga taong naabala ko, madami akong taong sinagabal dahil nga sa nangyari, pero sabi naman nila ay pamilya kami at magtutulungan sa mga nagigipit.Naawa naman ako kay Karlene, kilala ko kasi yang kapatid kong iyan, napakahina ng loob, sambit nga niya, "Kuya, namamatay ang mga taong may Dengue diba? Mamamatay na ba ako??!!" Napaiyak naman ako at sinabi ko na Stage 1 palang ang Dengue niya at napakalaki pa ng chance na mabuhay siya, at sinabi ko din na huwag siyang mag isip ng ganyan. Nakakadurog ng puso ang pinagdadaanan ni Karlene, pero ginagawa naman namin ang lahat para sa kanya.

Kinaumagahan ay umalis na sina Tito at Tita at babalik na sa Baguio, nagiwan din sila ng pera pangtustos kay Karlene, si Kuya naman ay nagiwan ng ilang galong mineral water para hindi ma daw kami masyado bumili. Nagpasalamat naman ako ng lubusan sa kanila at naapreciate ko ang tulong nilang lahat.

May dumating ding letter galing kay Mama:
"Dear Avorone,

Anak, kumusta na si Karlene? Pasensya na anak, hindi kami makakauwi agad ni Papa mo, Bantayan mong mabuti ang mga kapatid mo lalong lalo na si Karlene, alagaan mong mabuti siya ha, Anak, patawarin mo kami ni Papa mo at hindi na namin napagmamasdan ang mga kilos niyo, hindi na namin kayo naaalagaan ng mabuti, Take Care Anak, Give my Love to all of you at sa mga kapatid mo, Be a good Kuya, I love you all"

Napaluha naman ako ng mabasa ko yung liham na iyon, pero hindi lang pala liham ang ipinadala ni Mama, pati narin pera na nagkakahalagang P100,000 na pambayad ko sa Hospital at ang natira ay sa mga pangangailangan namin. Nakakaheartbreak naman, naramdaman ko na gusto ni Mama at Papa na mayakap kaming lubos pero malayo sila.

Pagdating ko sa Hospital, tulog na lahat ng kapatid ko pati narin si Aling
Diana, pinauwi ko muna si Aling Diana at pinakuha ng ilang mga damit dahil kinabukasan ay may kailangan akong asikasuhin tungkol sa pera, may dumating na kartero at may ibinigay sa aking sulat, laking gulat ko kung kanino galing kasi nakapagpadala na si Mama at Papa ng sulat at pera. Ng binasa ko sa sobre ang address kung saan nang galing, nagmula sa Vigan??? Hindi kaya kay... ICEQUEEN???

Sabi niya sa Sulat:
"Dear Aveone,
Nilalagnat pala ang kapatid mo at sabi mo'y ilang araw na siyang absent sa school, naku ipagdadasal ko siya na gumaling agad

ICEQUEEN."
(Nakita kong may laman din ang sobre ng P1000)
I also remember na kachat ko siya the day before na dalhin ko si Karlene sa Hospital kaya alam niya

Hinabol ko ang kartero at tinanong ko kung bakit niya nalaman na nasa Hospital kami, ang sabi ng kartero ay pumunta siya sa original address which is sa bahay namin, sabi ng kapitbahay namin ay nasa Hospital kami kaya dun niya ako hinanap.

Di Nagtagal ay nadischarge na si Karlene sa Hospital at bumalik na kami sa "Home Sweet Home namin"

"Thank You for your Greatest Concern, ICEQUEEN, I like you, kahit hindi pa tayo nagkakakilala ng personal ay para na talaga tayong magkaibigan."

Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon