Chapter 15: Charming Fiesta

101 7 1
                                    

"ALL IS WELL"

Yan yung naging mantra ko nung huling beses kaming nagkaroon ng special attraction ni Daniela, well, gulat na gulat nga kami nung nangyari sa SPA, nakaka-THRILL? Or nakaka-INLOVE? I don't know the real word pero malapit doon. It seems that may mga pagkakataon nga sa buhay natin na hindi maipaliwanag, kagaya nung nangyari sa SPA.

It's Sunday Morning, and it's our school's special abituary day or parang sem break ng school namin, part na iyon ng aming school culture pag sapit ng mid-term, kaya naman ito ang the best day na makakajackpot ako ng araw with my kapatids at.... Try ko ding akitin si Daniela na mag jamming for the moment, nagpadala naman ang mga magulang ko ng extra para sa pang mall naming magkakapatid, pero naisipan ko na baka mamasyal lang kami sa park at fiesta naman or sumimba sa kabilang bayan, para naman maiba-iba ang gimik, sabi ng mga kapatid ko ay akitin si Daniela at Tita Marian na mamasyal sa park makipanuod sa mga sports fest, sumubok ng iba't-ibang booths at syempre tumikim ng mga pagkain sa iba't-ibang food stall. Sabi ko "GREAT IDEA", kaya naman personal akong pumunta sa bahay nina Daniela upang humingi mg permisong mamasyal sa park, punayag si Tita Daniela na mamasyal kami ng mga kapatid ko kasama si Daniela,medyo busy si Tita Marian sa new work niya kaya hindi siya makakasama, anyways, pinagtimpla kami ni Tita Marian ng juice habang naghihintay kami kay Daniela na makapagbihis,sabi ko din kay Tita na medyo gagabihin kami dahil ang mga events ay magsisimula ng mga 2:00 ng hapon, at pumayag naman siya as long as na huwag ng aabutin ng wala ng araw, nagkasundo kami ni Tita sa oras na uuwi kami,mga after 10 minutes, lumabas na si Daniela sa kwarto and ready to go, kaya naman, nagpaalam na kami kay Tita Marian at dumeretso muna sa terminal ng jeep at sisimba kami sa kabilang bayan.

Na enjoy ni Daniela ang magandang set-up ng simbahan, kasi nga fiesta ng tatlong bayan sa lugar namin sa Sariaya, Tayabas at Lucban, kaya naman nag round the world kami sa buong parokya ng Santa Elena, magaganda ang mga mural mosaic sa parish ceiling at mga banners ng Fiesta Foundation, napakasaya sapagkat madaming tao at may natugtog na banda para bigyang pugay ang patron Saint. Nakisimba kami sa misa at napaka"solemn" ika-nga sabi ni Daniela kasi kakaiba daw ang fiesta sa lugar namin. Matapos ng misa ay bumalik kami sa Sariaya at namasyal kami sa plaza n kung saan matatagpuan ang magaganap na kapana-panabik na sports fest, ang mga nakakatuwang mga entertainment booths at mga food stalls na pwedeng pang chibog habang nag gagala.

Madaming nakakaexcite na experience ang ginawa namin ni Daniela at mga kapatid ko, madaming tao kaya medyo madali kami sa pagbili ni Daniela ng mga pagkain at agad kaming humanap ng pwesto para manuod ng liga-basketball. Nang pumasok ang mga kuponan ay todo irit at maguguho ang buong complex sa init ng laro, napakasaya naming nanunuod at halos hindi bumitaw si Daniela sa sleeves ng damit ko, naisip ko na baka may problema, and I figured it out, hindi pala siya sanay sa masyado madaming tao sabi niya "Averone, wag kang aalis ha, o kung aalis ka man ay sasama ako, ang ganda ng game, ayokong ma-miss" sabi ko naman "Hindi kita iiwan okay? Besides nadito naman tayong lahat and enjoy the game" sabay hinawakan ko ang kamay ni Daniela para naman hindi na siya matakot. Buong basketball game ay nanuod kami kaya naman ng manalo ang isang team ay agad kaming nagsipagsigawan at umalis na agad sa court, next game ay volleyball kaya naman agad kaming lumabas at bumili ng mga pagkain, sabi ni Daniela "Averone, pwede bang magpa-photobooth tayo, Groupie?" Pumayag naman ako. Ang ganda ng smile ni Daniela sa pic kaya naman nagrequest ako na iframe niya iyon eh, humagikhik naman siya ng tawa at nag agree, sumubok kaming pumasok sa Horror booth, takot ang mga kapatid ko lalo na si Zandry kaya naman kami lamang ni Daniela ang pumasok, dalawa lang kaming pumasok sa loob kaya naman tindig ang balahibo ko sa takot at si Daniela naman ay hindi mapigtal ang pagkaka-kapit sa braso ko, it seems very scary and spooky inside, kaya naman nangangatal kami sa takot, medyo matatakutin din ako kaya ayun, pero naglakas ako ng loob para naman si Daniela ay hindi masyadong kabahan. Nang may nangugulat ay agad naman siyang nagtatatalon at nagtakbo kami, natisod si Daniela sa isang bato sa Horror set kaya naman pareho kaming nagland sa isang set na kabaong pero iba ang kinalagyan namin hindi pampatay, kundi...... Magkalapit ang mukha namin sa pagkakadapa, nawala kami sa sarili dahil lumakas ang pintig ng puso ko at si Daniela naman ay natulala, ng may mangulat na multo sa set ay kinuhit na kaming pareho at nagsigaw ng "TAKBO!!" Kaya naman tayo agad kami at lumabas, medyo nagkahiyaan kami ng sandali sa nangyari pero nakamove-on na din later on.. Napansin ng mga kapatid ko na medyo namumula mukha namin na para bang may mangyari ang sabi namin ni Daniela "WALA! Nakakatakot lamang sa loob". After nung booth ay tumambay muna kami sa isang siomai food stall at kumain kami, nakatitig lang sa akin si Daniela and the same thing to me. At nang magsabi ang emcee ng "Let's start the ball game" ay agad kaming sumilip at nanuod, hanggang sa matapos ang laro.

Tila nakakaexcite ang mga pangyayari, habang nanonood ng Basketball game, sa photo at horror booth, i just don't expect any scenarios like that, kaya naman ng namalayan namin na mag 7:00 na pala ay umuwi na kami. Hinatid namin si Daniela at sinabi ni Daniela sa akin "Averone, thank you for this day, this makes a day-come-true to me" sabi ko "Madami pang pagkakataon" ngumiti siya ng mataimtim at pumasok na sa bahay.

Napakasaya ng mga pangyayari, it's so not in our minds but it happened already. And i hope.... Hindi awkward... And hindi naman talaga :)

Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon