Hi ako si Daniela P. Laborte aka ICEQUEEN, at ito ang kwento ko,
(HABANG NABYAHE PA-QUEZON)
Ako'y taga Vigan, Ilocos Sur, dito ako lumaki at nagkaisip, solong anak ako kaya strict ang nanay ko, namatay si Papa sa isang enkwentro, pulis kasi siya eh. Ang buhay ko kung tutuusin, napakasimple, yung buhay na kasama si mama, yung buhay na umaga ay nasa school ako habang si mama ay nasa trabaho, tapos sa gabi ay sabay kami ni mama kakain, tapos aral na ang agenda ko, si mama busy sa paperworks, wala naman ako masyadong iniikutan sa isip noon, puro aral at bahay lang ang inaatupag ko, tapos paminsan sa Sabado, nasa palengke ako at nagbabantay ako ng gulayan namin kasama si Aling Nena, wala pa akong panahon sa mga ligaw thingee! Hehe may mga suitors ako but I just tell them na bawal pa ako. Until then, nagkita ulit kami ng dati kong kalaro at best friend na lumipat ng Quezon na si Gerlie, si Gerlie Maranan ay isang cheerleader, at dahil sa angking galing niya sa cheerleading ay nakuha siyang sumali sa Cheerers League sa Quezon, particularly sa St. Joseph's Academy, nung bumalik siya galing Quezon ay napakadami niyang ikinuwento sa akin, including yung lugar, yung environment, yung mga tao at mga pogii! (*^_^*V) pero, may nabanggit siyang isang boy na sikat daw sa school na iyon pagdating sa Academics, si Averone Sison, pinakita niya sa akin ang mga pictures nila na magkasama, since then, nagiba ang takbo ng mundo ko, nagka-crush ako kay Averone, kaya nga inadd-friend ko agad siya sa FB at nangulit ako.
Araw-gabi, ka chat ko siya noon, ang hilig naming mangulitan, mag asaran via chat, minsan nag iiSkype pa kami para makita namin ang isa't-isa, napakabilis din ng mga araw, madaming mga nakakatuwang eksena habang ka-chat ko si Averone, habang recess namin sa University, ka chat ko siya, halos mamatay na ang mga kaibigan ko kakakulit din kay Averone, pati si mama ay nagulat na ka-chat ko siya, pati siya ay natuwa because I've finally found a friend, but then, may dumating na panganib sa buhay naming mag-ina, may nanloob sa bahay naming magnanakaw, sinabi ng magnanakaw na isuko na ang mga gadgets at alahas para kami'y mabuhay, ibinigay na namin ang laptop, tablets at ilang alahas, pero nanlaban ako ng kinuha ng magnanakaw ang cellphone ko, at nauwi ako sa pagkabali ng kanang kamay at tuhod. Sa madaling salita, nabalda ako at na sprain.
Ilang buwan akong nangungulila sa pakikipagusap kay Averone, si mama naman ay abala sa pagtatrabaho para mailabas ako sa ospital dahil hindi pa kami nakakarecover sa napakadaming nawalang alahas at importanteng gamit sa bahay, Including pera na pantustos naming mag ina ay nawala, na sana'y magagamit niya para mapabilis ang proseso ng paggaling ko. I undergone more than 12 operations para ma-align ang nga buto kong na dislocate, halos ipanalangin ko ma maka recover ako agad para makabalik na ako sa dati kong buhay. Isang araw, dumating si mama sa ospital, may kasamang lalaki, pinagdudahan ko siya na siya ay Prostitute but I was wrong, yung kasama niya ay ex-boyfriend niya noon, aksidente silang nagkatagpo, ipinaalam ni mama ang kundisyon ko at baka sakaling makatulong siya sa sitwasyon ko, mayaman yung lalaki, tutulungan niya kami sa isang kundisyon, mahalin ulit ni mama si "stepdad"
By the time na maka-recover ako. i was really happy na makakabalik na ako sa bahay, bahay na iniwan naming may bakas ng dugo ko dahil sa aksidenteng nangyari sa akin, ngayon ay naibalik na sa dati, may bago na kaming mga gadgets at alahas na nanakaw, hindi ko muna ginagalaw ang mga gamit kong bago at kagagaling ko lamang sa isang operation, until I realized na isang araw, magaling na ako, nakakasulat na ako I am back to normal!!
Biglang tumawag si Mama sa akin, may natanggap daw siyang trabaho sa Quezon sa Isang Shoe Factory sa isang Mall, sa tulong ni stepdad, nakapag ayos kami ng papeles at nag impake na kami dahil paalis na kami the next day, pero bago kami umalis, minessage ko si Averone.
Message:
"Averone, I am very sorry kung hindi ako nakapagmessage sa iyo ng napakatagal, I just got busy sa mga aayusin namin ni Mama sa lilipatan namin, well nakahanap si Mama ng bagong trabaho bilang supervisor ng isang Factory sa lugar niyo, sa QUEZON!, we could finally meet! Averone, kaunting panahon nalang magkikita na tayo! Averone, I can finally see the warmth of your smile in person!, remember that we share the same dream? It came true right?! Napakabait talaga ng Diyos. See you soon, PM nalang ulit kita kung kailan kami lilipat diyan!"i am very excited na magkikita na kami! Ang taong kinabaliwan ko via Internet.
(Nagising ako sa biyahe)
Nasa Candelaria Quezon na kami, umaga na, umalis kami sa Vigan ay 1:30 pm, mahabang mahabang biyahe din ang nagdaan, mahigit 12 hours, sabay buklat ko sa map at isang bayan na lamang ay nasa Sariaya, Quezon na kami where Averone lives! finally magkikita na kami! Bababa kami ni Mama sa park kung saan tatagpuin niya ang manager ng Factory, habang ako, I'll get a chance to meet Averone (happy)
BINABASA MO ANG
Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]
Romantizm"Sa Simula, what i've thought is that life is like a sheet of paper, kapag walang sinusulat, walang laman ang bawat pahina, ibig sabihin, tumitigil ang mundo mo, tumitigil ang buhay mo. I just need someone to fill the paper of my life for it to move...