Okay, so tapos na ang lahat, nakahanda na ang lahat.. Grabe, ang ganda ng tunog ng sound systems, daig pa ang high-class na sayawan sa isang Ballroom Ad.
Tapos glamorous din ang lahat ng decorations.. Including the theme " Reminiscing Company" which includes so many flowers, ribbons. Ang mga ilaw naman, okay na.. Nag hire pa kami sa Mga lightings na ginagamit pag nagko-concert ang artista. Ang nagcater sa amin ay galing diamond hotel. So by 2:30 pm, magsisipagdatingan na ang mga tao, pero kami ni Char ay pagabi na dadating, of course maghahanda pa kami, we'll be accomodating High-Class ambassadors otherwise, and We expect that they will appear rather 7:00 pm. Kaya napakahaba pa ng panahon para makapag-ayos si Char, eh kasi yun namang babaeng yun ay daig po ang artistang inaayusan pag may shooting.. Maryawsep! (*umalis na si Averone at unuwi na ng bahay*)
(DANIELA'S POV)
Okay, nag early lunch na ako para maayusan ako ng maaga kahit papaano, personal pumunta si Amor Powers sa bahay para ayusan ako ng buhok at make-up, as well as yung long gown ko. Tinulungan din ako ni Marcie na magprepare ng make-up at sapatos. Then, andun ako sa salas habang inaayusan.. Si Paul naman, pa relax-relax lang.. Hayyy boys nga naman, andaling magbihis, pagkasaklob ng damit, okay na sa hairwax at pulbo, palibhasa kaming mga babae pag may malakihang event, todo make-up.. Kaya naman.. Saludo ako sa nga mabibilis mag ayos dyan! Eh kasi si Paul. Nakapagswimming pa, nakapag aerobics pa, nakapagbasa pa, nakapagtakaw pa! Eh ako, busy pa din sa buhok at make-up.. Well, you better be ready Paul!
(THE BIG PARTY! Time Check: 6:30 pm; AVERONE'S POV)
Okay so almost all of the employees are arriving at walang halong biro, ang gaganda nila, compared pag naka corporate attire sila, infairness. So I called Charlene, sabi niya malapit na daw siyang umalis, naglalagay lang ng jewelries at kung ano pa mang chechebureche sa katawa tapos papunta na siya dito.
So after I called Charlene ay saktong dating ng Barkada. Grabe, hindi ko inakalang magiging gwapo nang ganun si Lucky at Derrick sa kabila ng height nilang dalawa! "AY ANG HAAAARD!" Sigaw nila pero sinabi kong joke, Ito namang si Fuzzy, well, payat ba payat sa black na long gown, nadala din sa kanyang buhok na matambok! HAHAHA! Eto namang si Gerlie, oh well.. Magandang magdala....hahah yun lang.. Napanguso si Gerlie at sinabing "Minsan nalang to Averone eh!!!" Pero binawian ko ng matamis na "MAGANDA KA PO!" At tawang-tawa naman siya, ang aking EA na si Joanna, well never see her dressed as that, bagay pala sa kanya ang Magenta, kesa naman sa malimit niyang isuot sa office na red,grey,black at navy blue.. Hehe oh well.. At least naiba ang itsura ng barkada...
"Av, si Paul.." Sabi ni Gerlie ng dumating ang galurosong si Paul, nilapitan ko si Paul at i-accomodate for formality's sake.. Kaya naman nagtinginan kami ni Paul, then kinomplement namin ang mga suit namin sa isa't-isa. Maya-maya ay may lumapit sa aming photographer na nagtatanong kung pwedeng makuhanan kami ng picture ni Paul magkasama.. Kaya naman ayun, center of attraction din kaming dalawa.. Hanggang sa napansin namin na halos lahat ng tao ay nakadungaw sa entrance.. Kami ni Paul ay napatingin..
(*Isang glamurosang babae ang papasok sa entrance ng Hall, naka blue high-heeled shoes, golden bangles and a diamond ring, tapos ang kanyang Royal Blue na damit na maraming beeds, at ang kanyang mala-diwatang make-up at ang pang Miss Universe na buhok... *)
"Oh Well, You're finally here, CHARLENE!" Sabi ko
Then once again na nagtinginan ang nga tao sa entrance at para bang may paparting nanamang maganda.
(*Isa nanamang magandang babae ang papasok ng entrance, naka white high-heeled shoes, ang kanyang bracelet ay pure silver, then ang kanyang white long gown na nababalutan ng nangingintabang swarovski, ang kanyang mala-diwatang make-up at ang 90's inspired wet-look brushed hair*)
BINABASA MO ANG
Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]
Romantik"Sa Simula, what i've thought is that life is like a sheet of paper, kapag walang sinusulat, walang laman ang bawat pahina, ibig sabihin, tumitigil ang mundo mo, tumitigil ang buhay mo. I just need someone to fill the paper of my life for it to move...