Chapter 7: Rise Above the Storm

107 7 2
                                    

Mahirap mag adjust sa panibagong environment, medyo mahirap din ako sa sitwasyon kong pagkagaling ko ng school ay sabay magtatrabaho ka sa gabi, halos napapadaong ako sa hirap pero wala akong karapatan na magreklamo, sapagkat i'm doing this for my family, medyo mahirap ding isipin na habang nagtatrabaho ka sa gabi ay inaalala mo kung anong lagay ng mga kapatid mo? Yung tipong... "Nakauwi kaya sila ng maayos?","Kumain na kaya sila?"Anong ginagawa nila ngayon? Para bangang aligaga ka, napagalitan na nga ako ni boss kasi parang wala ako sa mood, yung lumilipad ang utak mo dahil sa mga alalahanin, napagtangkaan ko ngang magshift ng di sa oras macheck ko lang mga kapatid ko eh, pero pag ginawa ko naman yun ay mawawalan ako ng sweldo, eh malaki na ding halaga yun para sa aming magkakapatid habang wala pa sina mama at papa.

Nang makauwi na ako sa bahay mga bandang 10:00 pm ay napaawa naman ako sa mga kapatid ko, dinatnan ko silang tulog na sa lamesa habang nag aaral, nakabukas pa ang mga libro, malamig na ang kape at bukas ang electric fan, tapos ay may nagpapakulo pa ng tubig (siguro pang shower) na kulong kulo na pero hindi namalayan dahil nga nakatulog na sila, ginising ko sila at sinabi ko na matulog na silang lahat at ako'y mag aaral pa, niyapos ako ng mga kapatid ko, nakakalawit naman ng habag (nakakaawa) si Ryan dahil niyapos niya ako at siya daw ay natatakot pag wala ako, sinabi ko sa kanilang lahat na kailangan kong magkaroon ng parttime job para maitaguyod ko sila, at natanggap naman nila iyon.

Nagbukas ako ng aking facebook account, puro mga messages nina mama at papa na tinatanong kung kumusta ang trabaho ko, ang sabi ko naman ay ayos lang at wala namang problema, hindi din malupit si boss kaya ayos lang ako, pero, parang may napansin ako. Madalang nang mag message si ICEQUEEN, parang nauumay na siya sa akin dahil sa mga panahon ngayon ay nawawalan na ako ng oras sa chat, pero inantindi ko muna ang mga dapat kong asikasuhin, naglinis muna ako ng katawan at nagwalis walis nang kaunti bago ako magsimulang mag aral.

Moments later, ay nakapaghilamos na ako at handa na ulit akong sumabak sa puyatan. Mahaba ang aking mga assignments lalo na at nagsisimula na kaming magdegend ng Thesis, may exam pa kaming parating, sana makapasa ako sa "Prenup Exam" kung tawagin ng aming Dean dahil yun daw ang magiging daan para makapag aral ka ng nais mong course, well, pangarap kong mag nurse o mag seaman, pero baka ako magsisi sa huli at sinunod ko ang kagustuhan kong makapag aral ng Business Administration, kaya nagpupursigi ako para sa pamilya ko.

Biglaang nagkaroon ng 3 messages ang aking FB account, nagmula ito kay ICEQUEEN, ang sabi niya ay bakit ako madalang makapagonline ngayon, ang sabi ko naman ay kinailangan kong magworking student para makatulong ako sa aking mga magulang, ang sabi naman niya ay sana'y nandyan siya para matulungan niya ako, sana may pagkakataon na makapunta siya dito o makapunta ako doon para magkausap kami. Nagpasalamat ako sa kanya at naging open minded siya sa mga problema ko.

Kinabukasan ay kasama ko si Derrick at sinabi niya na madalas akong busy sa gabi at atat naman sa araw, hindi pa niya kasi alam na working student ako, pero nung nalaman niya ay nabigla siya at sinabing bakit ko ginawa yun, sabi ko naman sa kanya ay short na kami sa finances kaya kailangan kong magtrabaho pansamantala para makabawi, hindi din kasi namin inaasahan na magkakasakit si Karlene at kinailangan din ng malaking halaga, tinulungan naman ako ni Derrick at pumupunta siya ng bahay ng saglit para bantayan ang mga kapatid ko habang wala pa si Aling Diana.

Not long enough ay natapos agad ang shift ko at may pagkakataon pa akong makadaan ng isawan prlara maghapunan kami ng mga kapatid ko, nakabonus din ako kay boss kaya medyo malaki ang mauuwi ko. Pagdating ko sa bahay ay nag aaral pa sila, hindi pa din nakain ng hapunan, kaya tama lang na bumili alo ng ulam at nagsaing ako, yun lang ulit ang pagkakataon na nagkasama sama ulit kaming kumain sa iisang lamesa buhat ng nagtrabaho ako, palagi kasi silang nakain kina Aling Diana o si Aling Diana ang nagdadala ng pagkain.

Full-fledged din namang nagsusupport sa akin si ICEQUEEN, well for starters, nang aaliw siya at nanlilibang sa kabila ng kagipitan ko sa schedule. But nagulat ako sa chat namin ni ICEQUEEN! For the first time, nagskype kami, nakita ko na din ang mukha niya well at least ang ganda nga niya, ang cute at pogi ko naman daw reply niya, sandali lang naman kaming nag usap at sa sandalinh iyon ay napakasaya ko dahil at least totoo siya, totoong tao na hindi pineke at totoong nagmamalasakit.

Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon