Kakatapos lang namin mag assemble para sa meeting ng Foundation Day, nagpaplano kami ng madaming funfield activities at college school fair. Napakasaya sapagkat magkakagrupo kaming magkakabarkada lalo na sina Derrick at Lucky na ubod ng kulit!
Later, nagring ang phone ko, and I was shocked kung sino ang natawag, si ICEQUEEN!
Convo:
ICEQUEEN- Averone, where are you?Averone- uhm, sa academy, nag aayos lang for the fair, why?
ICEQUEEN- You know what day it is?
Averone- ah, teka? Birthday mo?
ICEQUEEN- Nope, actually, this is the day..... We will see each other.
Averone- Wha....??? NANDITO KA?
ICEQUEEN- OO! Malapit na kami sa Sariaya, sa park daw kami bababa?
Averone- Gosh! I'm on my Way!!
(binaba ang phone)Nagulat ako sa tawag ni ICEQUEEN! nabiyahe na pala siya papunta dito, kaya nga sabay takbo ako sa classroom at kinuha ko ang bag ko at takbo na ako palabas, since it's an open school-day sa amin at nag aayos kami ng pang school fair, there is no classes. Takbo agad ako, sabay angkas ako sa pedicab na dumaan at pupunta ako ng park, buong maghapon ako maghihintay If i have to, sabik na sabik na akong makita si ICEQUEEN, gusto ko na sa kanyang makipagkamay! Gusto ko mang magpakilala sa kanya at malaman ang tunay niyang pangalan.
Mahigit isang oras ako sa parke, nakakain na ako ng lunch sa katabing turo-turo, nag antay ako sa may corridor ng basketball ko which is actually the waiting shed, nagintay ako sa kanya, suddenly may bus na tumigil at handa na akong makita siya, pero naabala iyon sandali ng may namalimos sa aking matanda, nung binigyan ko siya ng pera, may nakinig ako sa likod ko na "Ang bait mo naman Averone". Lumakas ang pintig ng puso ko at sa puntong iyon, lumakas na ang loob ko. And napatulala ako sa galak.
It is really ICEQUEEN, nakipagkamay ako sa kanya at napakasweet niya, ang tamis-tamis ng kanyang mga ngiti, ang ganda niya, yung tipong mistiza type, at siya nga ang ICEQUEEN na nakilala ko through Internet. Ang sabi niya sa akin ay no need to call her ICEQUEEN anymore, she is Daniela P. Laborte, pormal niyang pagkilala sa akin. Nakikipag usap ang nanay niya sa manager ng Shoe Factory sa Mall kung saan doon magtatrabaho ang Mama niya. Nakiusap sa akin si Daniela na kung pwede'y ilibot ko siya sa lugar habang nakikipag usap yung nanay niya at pinayagan naman siya.
Habang iniuuli ko siya, ang dami-dami naming napagkuwentuham, ang dami naming kakulitan kasi hindi naman namin ito nagagawa sa chat. Sinabi din niya na hindi niya ako nakilala dahil sa pagbrowse niya sa akin sa Facebook, ikinuwento ako ni Gerlie, (na kasama ko sa basketball league dahil siya'y cheerleader) simula noon ay nakikipagusap na nga siya sa akin. Pinatikim ko sa kanya ang iba't-ibang pagkain at street foods. Enjoy na Enjoy kami ni Daniela, hangga't sa tumawag ang nanay niya na papunta na daw sila sa apartment na inupahan nila.
Matagal na din pala akong gustong makilala ng nanay ni Daniela, ako'y magalang na nagpakilala sa nanay niya kay Tita Marian. Hinatid at inalalayan ko sila sa mga gamit na dala nila papuntang apartment. Namaalam sa akin si Daniela at Tita at sinabi din ni Tita na pumunta ako bukas sa kanila para magmeryenda, at tinanggap ko ang offer niya.
Sinundo ko ang mga kapatid ko sa school nila, napansin nila na medyo nakataas ang labi ko na parang nangalay kakangiti, gulat na gulat silang lahat ng sinabi ko na nagkita na kami ni Daniela, and fortunately, papunta kami sa apartment nila bukas (^_^*)
BINABASA MO ANG
Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]
Romansa"Sa Simula, what i've thought is that life is like a sheet of paper, kapag walang sinusulat, walang laman ang bawat pahina, ibig sabihin, tumitigil ang mundo mo, tumitigil ang buhay mo. I just need someone to fill the paper of my life for it to move...