Chapter 6: Love and Incentive

140 6 2
                                    

Mabilis namang makarecover si Karlene galing sa Dengue, masaya na ako sa lagay niya ngayon, bumalik ang sigla niya sa katawan at pagkain, ako naman ay hindi muna makakapasok sa college gawa ng marami pa akong kailangang asikasuhin, well, not all things care, but I have to do this for my siblings, ayoko naman pating mapabayaan ang obligasyon ko sa kanila bilang Kuya at pansamantalang Nanay at Tatay nila, ayoko silang pabayaan ng magkanila sila ng buhay habang iniintindi ko ang sarili ko, hindi ako ganon, bata pa ang mga kapatid ko at di ko kayang maiwanan sila ng ganon, gaya nung nagkasakit si Karlene. Siguro mga after a week pa ako makakapasok sa Academy, kailangan ko munang mag ayos ng mga bagay-bagay, feeling ko din nagkulang ako sa pagiging kuya ko, kaya nagkasakit si Karlene.

Kinabukasan, ako'y umalis papunta ng kabilang bayan, pumunta na ako ng Agency para mag apply ng trabaho, kahit parttime lang at nagbabakasakali akong mabigyan ng shift, and apparently I did. Accepted na ako sa trabaho ko bilang isang waiter sa isang fastfood chain at 3 oras lang akong magtatrabaho dun pagkagaling ko sa school, ayoko lang namang umasa sa mga padala ni Mama at Papa dahil kung minsan naman'y kinakapos din sila at kailangan ko pang mangutang para lamang makabawi. Iniisip ko din ang kakahinatnan ng mga kapatid ko pag hindi ako tumulong, baka hindi ko kayanin. Ipinaalam ko na din kina Mama at Papa ang plano kong mag working student pero sa una'y hindi sumangayon sina Mama, pero sa huli'y pumayag na sila kung para naman daw sa ikabubuti namin.

Isang araw ay nakipagchat sakin si ICEQUEEN, ilang linggo na din kaming hindi nagchachat eh, nagopen ako sa kanya ng mga problema ko sa sarili ko. Naawa siya ng lubusan sa akin at sinabi niya sakin na sana daw ay nasa tabi niya ako para daw may kadamay ako sa mga problema ko at may taong yayapos sa akin pag nangangailangan ng "Warm Hug" sabi niya. Napatawa naman ako sa kanya ba para bang mag best friends kami, yun nga lang sa computer, not personal, not even by heart. Medyo nahihirapan ako sa buhay ko pero si ICEQUEEN yung tipo ng tao na para laging handang kumpletuhin ako, sambit niya ay suportado niya ako sa lahat ng balak ko sa buhay, Kahit malayo sa isa't-isa..

Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon