Super Duper Excited na ako mamaya, last subject na namin kaya lahat ng concentration ko ay doon ko ibinuhos, ayokong mahati ang puso ko sa dalawang bagay, una sa Quantum Physics, ikalawa, kay Daniela, hindi ko pa din kasi makalimutan na tinanggap ako ng nanay niya ng buong-buo, ako nama'y parang na jet lag, pero, concentrate muna ako sa Subject! (*^_^*)
(nagring ang bell ng school)Sabay alis ako sa classroom, nagpaalam ako ng dalian sa mga kaibigan ko, bakas sa mukha nila ang pagtataka kung bakit ako nagmamadali at para bang, napakasaya? Yung feeling na ang ganda ganda ng mood ko araw gabi na hindi ko nagagawa nung mga panahon na magka-chat palang kami ni Daniela, pero this time! i am verry verry verry verry happy! Na magkakaroon na kami ng first moments with Daniela and Tita Marian (>/////<)
Sabay sinundo ko ang mga kapatid ko sa school nila, ng makita ko sila sa labasan, agad ko silang tinawag at pumara ng jeep, sabi ng mga kapatid ko lalo na si bunso na si RyanWilly, nagtaka kung sila daw ay ipamimigay na (0,0) Napapatawa ako na naiinis sapagkat bakit ko naman sila ipamimigay? Pero hayaan mo na, grade 1 pa lamang naman si RyanWilly eh. Sinabi ko sa kanila na surprise ang pupuntahan namin and anyways, matutuwa sila.
Pagbaba namin sa jeep ay sumakay kami ng pedicab papunta ng isang apartment sa may subdivision, medyo malapit din iyon sa bahay namin kaya alam ko yun. Kumatok ako at pinagbuksan ako ni Tita Marian ng pintuan, nagtaka ang mga kapatid ko kung sino yung babaeng iyon na nagpatuloy sa amin. Moments later lumabas si Daniela, nanlaki ang mga mata ng mga kapatid ko sapagkat ang long-time chat mate ko ay naandito na, tuwang-tuwa naman si Daniela at si Tita Marian na makilala ang mga kapatid ko, nagluluto din si Tita Marian ng meryenda, tinawag ako saglit ni Tita Marian sa kusina para kausapin habang si Daniela naman ay nakikipagkulitan sa mga kapatid ko.
Medyo kinabahan ako sa pagtawag ni Tita Marian sa akin pero laki namang ginhawa ng sabihin niya sa akin na "Panatag ang loob ko na kasama ka ni Daniela ko, I like you, for her" Masyadong tumaas ang respeto't galang ko kay Tita Marian kaya naman mas pinagbuti ko pa ang sarili ko.
Nakahanda na sa hapag ang niluto ni Tita Marian na meryenda, well, believe it or not, napakasarap ng niluto ni Tita Marian na pansit na may kamote, na hindi ko pa natitikman noon pero ang bango ng amoy at ang sarap sarap, nakatingin na nakatingin sa akin si Daniela habang ako'y nakain, halos hindi na siya natigil kakanguya habang nakatingin siya sa akin, ang sarap din namang tingnan ni Daniela na kumain, namnam na namnam ko naman ang bawat segundo na nagtitinginan kami. Parang nawala kami sa mundo namin, at ng makabalik kami sa mga sarili namin ay tila nakatitig sa aming dalawa si Tita at mga kapatid ko, at nagkuwentuhan kami sa napakadaming mga bagay-bagay.
Nang makatapos naming kumain at makapaghugas ng mga pinagkainan, nagdesisyon si Tita Marian na iwanan muna kami sa Salas at manuod ng pelikula habang siya'y tinatapos ang ilang mga papeles sa pagtatrabahuhan niya. Nakakaiyak at nakakakilig yung pelikula, i don't remember kung anong title nun, pero si Aga Muhlach at Claudine Baretto ang bida, edi, nagiiyakan na kami sa napakatindi ng pagmamahalan, tapos may eksena doon na humihingi ng tawad si Aga Muhlach kay Claudine Baretto, at maghahalikan sila, at nung maghahalikan, ay umiwas kami na tumingin sa TV, nung umiwas ako.... Ay nagkatinginan kami ni Daniela sa isa't-isa, mataimtim na saglit ang nadama ko, siya nama'y nagaagaw puso sa pagtingin sa akin, peri sa huli sabay kaming nagsabi ng "SORRY" at nagtawanan kami.
Lubos ang pasasalamat namin kay Tita Marian at syempre kay Daniela na pinatuloy kami sa bahat nila, actually, kung may pagkakataon talaga ay gusto din makikala ni Tita at ni Daniela ang mga parents ko, pag uwi, at sinabi din nila Daniela na bumalik ulit kami sa Sabado para maglunch and to have more quality time
BINABASA MO ANG
Finally I've Found You : Redefined Version [COMPLETED]
Romance"Sa Simula, what i've thought is that life is like a sheet of paper, kapag walang sinusulat, walang laman ang bawat pahina, ibig sabihin, tumitigil ang mundo mo, tumitigil ang buhay mo. I just need someone to fill the paper of my life for it to move...