Chapter 14

200 10 5
                                    

Chapter 14



Nandito ako ngayon sa bahay nila Mr. Ueda. Dito na ako nag dinner.


"Oh Hana. Kain lang ng kain ha? Ipinagluto ko yung mga paborito mo." sabi ni manang sakin.


"Salamat manang. Wala pa ding pinag bago sa luto mo. Ang sarap pa din."


"Tignan mo nga naman oh. Ang ganda ganda talaga ng batang 'to. Kamukhang kamukha mo ang daddy mo iha."


Medyo nahiya naman ako sa pagpuri sakin ni manang. Maganda? Saan Banda?

Habang kumakain di ko napigilan na hindi tumingin kay Ryu.


Tahimik lang siya na kumakain. "Hana. Bakit hindi ka na lang dito tumira sa bahay? Tutal ikaw lang naman mag isa sa tinitirhan mo." Biglang sabi ni Mr.Ueda.

Sabay kaming nabulunan ni Ryu habang kumakain. Gaya gaya. Hmpf!


"May problema ba sa sinabi ko?" pagtataka ni Mr.Ueda.


"Wa- wala po. Pwera lang dun sa part na dito ako mag stay sa inyo. Mas gusto ko sanang ma enjoy yung privacy ko." sagot ko.


"Alam ko Hana. Pero sana isipin mo din ang sitwasyon mo ngayon. Anytime pwede kang saktan ng taong yun Hana. Kaligtasan mo lang ang iniisip ko."


"Kaya ko naman yung sarili ko. Ikaw ang dapat mag ingat dahil ikaw ang may death threat."


"Sabihin na nating sa akin nga iyon. Pero hindi mo ba naisip na baka sinadya niyang gawin iyon para kusa kang lumabas kung nasan ka nagtatago?"


Napatigil ako. May point si Mr. Ueda. Pwede na sinadyang gawin iyon para malaman nila kung nasaan ako.


"Hana. Pag isipan mo kung anong pwedeng mangyari. Hindi ka nila matutunton sa lugar na 'to. Mahigpit ang security dito sa buong bahay kaya wala kang dapat ipagalala. Gusto ko lang siguruhin na hinding hindi ka nila masasaktan."


Natapos na kaming mag dinner. Nagpahangin muna ako sa labas. Iniisip ko pa din yung mga sinabi ni Mr. Ueda.

May posibilidad na alam na ng taong 'yon na nandito na ako. At naghihintay lang siya ng tamang panahon para kumilos.


"Hana." nandito na pala si Don. Sinundo na ako ni Don dahil masyado ng gabi.


"Uwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga."

Nag paalam na ko kay Mr.Ueda at kay manang.


"Mauna na po kami manang."

"Hana. Magiingat kang bata ka ha? Sana dumito ka na lang sa amin para naman mapanatag na ang loob ko."

"Wag po kayong mag-alala manang. Kasama ko naman po siya." sabay turo kay Don.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon