Chapter 7

267 10 4
                                    

Chapter 7

"Su! Sumali ka na kasi sa club namin. Para matulungan ka namin nila Meru." pilit ni Rika at Naomi.

Nginitian ko lang sila. Bigla namang umiyak si Naomi at niyakap ako.

"Bakit ka ganyan? Ayokong mapaalis ka dito. Ikaw kasi yung pinaka Cool na babae dito sa school. Gustong gusto ko din yung personality mo kahit kahapon ka lang namin nakilala tapos mapapaalis ka lang dito?NO!"
Natawa na lang ako sinabi ni Naomi. Kung alam lang nila.

"Sino nagsabing papayag ako sa gusto nilang mangyari? Alam ko kung anong pinasok ko kaya don't worry."

Uwian na. Habang nag aayos ako ng gamit. Di ko napansin na may ibang tao pa pala sa loob ng room maliban sakin.

"Excuse me. Ikaw ba si Su Nakahara?" tanong ng kung sino. Binaling ko ang tingin ko sa kumakausap sakin.

"Ako nga pala si Ran." pakilala ng isang lalaki na naka school uniform sakin.

Sa itsura pa lang malayong malayo na sa grupo nila Ryu at Blonde kaya sigurado akong walang hangin ang utak nito.

"Nice to meet you."
Kinuha ko agad yung bag ko at naglakad palabas ng room. Nagugutom na kaya naman wala na kong oras makipag usap. Hindi na ko nagtaka kung paano niya nalaman ang name ko.

"Teka lang Ms. Nakahara!" Tawag niya sakin. Nasa gate na ko ng school nang mapansin kong nakasunod pala siya.

"May kailangan ka ba sakin?"

"Can i talk to you?"

"Pwede bukas na lang? Nagugutom na kasi ako."

"Teka lang." Bigla niyang hinawakan ang isa kong braso. "San mo gustong kumain?" bigla niyang tanong.

Hindi na ko tumangi pa sa alok niyang manlibre. Kaya mabilis kaming pumunta at umorder sa isang Fast food chain na malapit sa school. Mukha naman siyang matino kaya okay lang.

Habang kumakain kami napansin kong kanina pa siya nakatingin sakin. Ang creepy lang. "Kanina mo pa ko tinititigan? Baka gusto mo ng magsalita kung anong kailangan mo sakin?"

"Gusto sana kitang tulungan. Nabangit ni Meru kung anong nagyari sayo."

I don't know this guy. Pero why would he offer to help me?

Habang ngumunguya ako ng Burger nagpatuloy lang siya sa pag sasalita."Tinakbuhan mo kasi ako kanina kaya hindi ako napag pakilala ng maayos sayo. Ako nga pala si Ran. Club President ng Judo Club."

Tinitigan kong maigi yung smiling face niya. 

Mga 5 minutes din siguro bago nag sink in sakin kung sino siya.

Aa! Siya nga! Siya yun! Isa siya dun sa mga students na hinahanap ko.

Nabulunan ako sa biglang paglunok ng burger na kinakain ko.


"Ayos ka lang ba Ms. Nakahara?" tanong niya sabay abot ng tissue sakin. Matagal tagal din pala akong nakatitig lang sa kanya.

He's cute. Nakakadagdag ng appeal yung eye glasses na suot niya. Plus he's so neat unlike nila Blonde.

"Sorry pero hindi ko matatanggap yung offer mo."

"Sinabi na din sakin ni Meru na ayaw mong sumali sa kahit anong club. I saw you during the welcoming party. We need your skills in the Judo club. Im giving a great offer, once na sumali ka sa club namin for sure titigilan ka na nila Ryu. Hindi ko lang ineexpect na ganito mo ko kabilis tangihan."

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon