Chapter 46
Hindi ko inaalis ang paningin ko kay Ran, hinihintay ko siya na tumingin sa direksyon namin.
"Please tumingan ka Ran." mahina kong sabi.
Hindi naman ako nabigo at nagtama ang mga tingin namin. Nagulat siya ng makita kami.
Sa naging reaksyon niya alam kong hindi niya inexpect na makikita niya kami dito.
Tumingin ako sa direksyon ni Mr. Ford na abala na sa pagbati sa mga bisita.
Habangbai Ran naman ay may mga kinakausap din pero pasulyap sulyap sa amin.
"Kami ng bahala kay Mr. Ford, kumilos ka na." binitawan ni Ryu ang bewang ko at naglakad papunta kay Mr. Ford.
Kailangan na naming kumilos habang hindi pa kami nagkikita ni Mr. Fors dito sa party.
Madaming babae ang nakapaligid kay Ran kaya naman kumilos na si Mia.
"Ran! I miss you!" biglang sabi ni Mia sabay yakap sa leeg ni Ran.
Nakita ko namang nagback out yung mga girls dahil sa ginawa ni Mia. Si Ryu naman ay nakikipagusap na ngayon kay Mr. Ford.
Wala ang atensyon ni Ford kay Ran. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang senyas ni Don kung saan kami pwedeng pumunta.
Napagaralan niya na ang pasikot sikot ng hotel kaya mukhang oras na.
Mabilis akong naglakad papunta kay Ran at Mia.
"Hi." mahina kong sabi sabay hatak sa kamay niya.
Kinaladkad ko ng mabilis si Ran papunta sa exit. Nakalayo na kami mula sa mga tao at tanging si Ran at ako na lang ang tao sa hallway.
Naiwan si Mia sa may exit para magbantay.
Kailangan ko na siyang mailabas dito. "Teka, saan tayo pupunta?"
Hindi ko pinansin si Ran at patuloy lang ako sa pagkaladkad sa kanya.
Napatigil ako ng biglang bumitaw si Ran. "Anong ginagawa mo Hana?" nagtataka si Ran.
"Gusto kitang ilayo mula sa kanya. Ran, kilala ko kung sino si Mr. Ford. Ayokong maranasan mo ulit kung ano naranasan mo mula sa kanya nung bata ka pa."
"Pa-paano mo nalaman?"
"Pasensya na kung kinailangan kong malaman kung anong nakaraan mo."
Umiwas ng tingin sa akin si Ran at nakikita ko na naging malungkot ang reaksyon niya.
Kung ganun pala ay matagal niyang itinago ang bagay na ito at ayaw niyang malaman ng iba.
"Walang nakakatakas kay Red, kaya kahit anong gawin niyo masasayang lang ang lahat."
Bakit Red pa din ang tawag niya sa sarili niyang Dad?
"Ano bang pinagsasabi mo Ran? Sumama ka na lang sakin." sinubukan kong kunin ang kamay niya pero umatras lang siya sa akin.
Umiiling na parang natatakot sa balak kong gawin. "Pasensya na Hana, kahit anong gawin mo ay hindi ako sasama sa inyo."
Dahan dahan namang naglalakad paatras si Ran habang nakatingin sa akin.
Nagulat kami ng biglang may kung sino ang tumatawa mula sa malayo. Dinig na dinig sa hallway ang nakakakilabot ng tawa ni Mr. Ford.
"Pasensya ka na Hana, pero mukhang hindi niyo magagawa ang plano niyo."
Nakalapit na si Red kung saan nakatayo si Ran. Hinawakan niya ang braso ni Ran at pinisil iyon.
Napansin ko ang pagpigil ni Ran sa sakit at halata sa mukha niya ang takot.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Bí ẩn / Giật gânSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...