Chapter 44

75 3 1
                                    

Chapter 44


Pagkauwi namin ng bahay ay sinalubong kami agad ni manang. "Hana.. Ryu, may pinadalang inivitation para sa inyong dalawa. Galing kay Mr. Ford." nagtinginan kaming dalawa ni Ryu.

Anong balak niyang gawin ngayon? Binasa ko kung para saan ang invitation.

"Invitation para i-welcome ang heir ng Ford enterprise?" Nakita ko ang picture ni Ran.

Sh*t!

Si Mr. Ford ang daddy ni Ran? Paano nangyari 'yon?

"Pupunta ba kayong dalawa sa party? Bukas na 'yan kaya kailangan ko ng ihanda yung mga isusuot niyo."

"Opo manang. Thank you."

Tumatawag si Mia. "Nakatangap ka din ba?"

"Oo, kaming dalawa ni Ryu."

May plano si Mr. Ford a.k.a Red kung bakit niya kami inimbita. Chance ko na 'to para makuha si Ran mula sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay tsaka lang dumating si Don at Mr. Ueda.

"Nakatangap kami ng invitation mula kay Mr. Ford."

Ipinakita nila sa akin ang invitation.
"Kailangan nating paghanda ang party, alam kong may gusto siyang gawin."

Naglakad na ako pabalik sa kwarto. Naupo ako sa study table habang nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi basta basta ang party na pupuntahan namin. Party ito para oficially na ipakilala si Ran.

May kumakatok. "Pasok."

Narinig kong bumukas yung pinto, pero hindi ako lumilingon para tignan kung sino.

"Anong gagawin mo kapag nagkita kayo ni Ran?"

Si Ryu pala. "Madami akong gustong itanong sa kanya. Pero bago 'yon, makakatikim muna siya ng sampal mula sa akin."

Hindi na muling nagsalita si Ryu na ngayon ay sumandal sa study table ko. Alam kong nakatingin lang siya sakin.

"Matulog ka na." utos ko sa kanya.

"Kiss muna." napatingin ako bigla sa sinabi niya. Nakangiti lang siya sa akin.

Napataas lang ako ng kilay. "Ayan yung wall sa tabi mo, siya na lang 'wag ako."

Umiwas na ako ng tingin sa kanya. Baka madala na naman ako ng pagkapervert ko kapag nagpatuloy ako sa pakikipagtitigan sa kanya.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tinalikuran si Ryu.

"Ayokong si Ran ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, ayokong nakikita na masyado kang nagaalala sa kanya. At lalong ayoko na siya lang ang nagpapagulo sa isip mo."

Napahawak na lang ako sa ulo ko. "Anong gusto mong gawin ko ha Ryu?! Na ikaw lang ang iisipin ko at hayaan yung kaibigan ko na saktan lang ni Red? Napaka selfish mo naman yata?" galit na galit kong sabi.

Hindi ko na napigilan ang galit ko. "Makasarili na kung makasarili. Bakit? Hindi ba ako pwedeng makaramdam ng selos?"

Selos? Nagseselos si Ryu kay Ran?
"Ang akala ko nung una, okay lang ako. Na ayos lang na makita kang malungkot dahil sa mga nangyari sa kanya. Na ayos lang na makita kitang pagod na pagod dahil sa kakahanap sa kanya. Pero hindi Hana, hindi pala okay."

Napakagat ako sa labi ko. "Ryu.."

Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Ryu.

Hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman niya. "Im sorry." mahina kong sabi. Yumuko na lang ako dahil ayokong makita ang reaksyon niya.

Im sorry Ryu, hindi ko sinasadya. "Hindi ko matatanggap ang sorry mo." bigla siyang lumapit sa akin at inangat ang ulo ko.

"I love you Hana." napapikit ang mga mata ko ng maramdaman ko na ang mga lips ni Ryu.

I love you too, ang salitang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa.

Nangingilid na ang mga luha ko habang patuloy pa din si Ryu sa paghalik sa akin.

Please Ryu, 'wag mo sana akong susukuan. Please.

Napahawak ako ng mahigpit sa shirt ni Ryu dahil hindi na ako makahinga.
Bumitaw siya, pero mga ilang seconds lang ay kinuha na naman niya ang mga lips ko.

Kung ito lang yung way na alam kong makakapagpagaan ng sakit na nararamdaman ni Ryu ay gagawin ko.

Napakapit na ang mga kamay ko sa leeg niya. Masyado na akong nadadala sa mga kilos ni Ryu.

Pareho na kaming naghahabol ng hininga kaya naman bumitaw na siya.

Nakita ko na medyo na shock pa siya ng maglatitigan ulit kami. Bumitaw na ako sa kanya.

"Sorry Hana, nadala lang ako." sabi ni Ryu at tuloy tuloy na siyang naglakad palabas ng kwarto.

Naiwan ako sa loob na nakatulala sa pinto kung saan lumabas si Ryu. "I love you too." mahina kong sabi.

Napahiga na lang ako sa kama habang pinapakiramdaman ang init ng mga lips ko.

Tumutulo na yung mga luha ko.

Hindi pa pwede ngayon Hana. Masyado pang komplikado ang lahat para sa inyong dalawa ni Ryu. Kailangan mo silang protektahan mula kay Red kaya gawin mo kung anong dapat at 'wag kang magpapadala sa emosyon mo.

May mga dapat ka pang gawin.

Para sa kanila naman lahat ng 'to kaya alam kong maiintindihan ka nila.

Konting tiis pa Hana, konti pa.

**
Nandito kami ngayon sa mall ni Mia. Nagpasama kasi niya dito para mamili ng susuotin niya para sa party mamayang gabi.

"Okay ka lang ba? Kanina pa malalim ang iniisip mo."

Matipid akong ngumiti. "Itigil mo nga 'yan Su, hindi bagay sayo ang malungkot." kinurot ni Mia ang mga pisngi ko.

"Oo na." sagot ko na lang.

Nagpatuloy lang sa pagpili ng damit si Mia. Mga tatlong oras na yata kaming nandito pero wala pa din siyang mapili. Kanina pa din siya pabalik balik sa dressing room, kulang na lang ay isukat niya ang lahat ng damit dito sa botique.

"Okay na ba 'to Su?" tumango lang ako ng makita ko siya.

Sa wakas at bumagay na din sa kanya ang pink na dress na napili niya.

"Ikaw? Hindi ka ba mag-sho-shopping?" tanong ni Mia habang busy siya sa pag sign ng receipt.

"It's okay, kahapon pa ako nakapagready."

Nagdecide si Mia na kayla Mr. Ueda na lang din siya magprepare para sa party para sabay sabay na din kaming pupunta.

Nasa kabilang kwarto lang siya kasama ang stylist at make up artist niya. Hindi naman halatang gustong gusto ni Mia ang mag ayos kapag may party?

"Nandito na si Shane iha." sabi ni manang na nasa labas ng kwarto.

Nandito na si ate.Saglit lang naman siyang bumalik sa japan kaya nandito na siya ulit. Humingi ako ng favor sa kanya na siya ang mag ayos sa akin para sa party.

As usual, isang sexy at very mature na shane ang humarap sa akin. Kung lalaki lang ako, niligawan ko na siya.

"Hi ate, thank you sa pagpunta." bati ko sa kanya.

"How are you babe? Ready ka ng magstart?" tanong ni ate. Pati boses ang sexy din, kaya naman hindi na nakakapagtaka na madami siyang manliligaw.

"Ikaw ng bahala ate, i trust you."

Hindi ko palalagpasin ang party na inorganize mismo ni Mr. Ford.

Ngayon nila makikita sa unang pagkakataon si Hana Hibari.




END OF CHAPTER.



She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon