Chapter 16
Nandito ako ngayon sa bahay nila Mr.Ueda. Dito ako dinala nin Ryu at Don.
"Welcome Home Ryu at Hana." tuwang tuwa naman si Mr.Ueda na makita kami.
"Hindi ko gusto yang mga ngiti mo Mr.Ueda. Kaya sabihin mo na kung ano bang gusto mo."
"May sagot ka na ba tungkol sa alok ko sayo na dito na tumira." diretsong tanong niya sakin. Sabi ko na nga ba at doon na naman mapupunta ang usapan.
"Wala pa kong maisasagot sayo. Hayaan mo muna kong mag isip. Tsaka hindi madali ang gusto mong mangyari. Ayokong tumira sa iisang bahay na kasama kayong dalawa ni Ryu."
"Bakit naman ako nadamay sa usapan?" Angal ni Ryu.
"Parehong pareho kayo ng Dad mo. Ginagawa niyo lang kung anong gusto niyo. Ang sakit niyong dalawa sa ulo. Hay! Mga lalaki nga naman. Tsk tsk tsk."
Tinawanan lang ni Mr.Ueda ang pang aasar ko kay Ryu. "Ang mga batang 'to talaga. Kahit kelan ganyan pa din kayo sa isat isa. Bagay na bagay talaga kayo."
Ano daw? Naintindihan ko yung part na kahit kelan hindi na kami nagbago pero yung last part na sinabi niya hindi ko na naintindihan.
"Anong sabi niya?" tanong ko kay Ryu. Napansin ko namang biglang namula si Ryu.
"Ewan. Bahala na nga kayo diyan." Nagwalk out sa usapan si Ryu at ako na lang at si Mr.Ueda ang natira.
"Problema nun?"
Bahala nga siya. Anyways. Buti na lang at may library dito sa bahay sila Ryu kaya hindi na din masama.
Ang problema lang ay si Ryu. Wala na siyang ginawa kundi pagalitan ako sa tuwing nagkakamali ako ng sagot sa mga tanong niya.
"Alam mo kanina pa tayo dito pero ni isa sa mga tanong ko wala kang nasasagot ng tama. Tapos sasabihin mo na kaya mo mag aral magisa? kakaiba ka talaga." nag smirk ang loko.
Ang yabang!! Hmpf! Hindi lang ako makalaban sa kanya kasi ineexplain niya sakin yung mga lectures na na miss ko. Kaya malaking tulong din siya kahit papano.
Kung hindi lang ako nalate ng enroll sa school nila edi sana hindi ako naghahabol ng ganito.
Habang nageexplain siya ng isang formula na hindi ko ma gets hindi ko maiwasan na titigan siya.
Nag mature na talaga si Ryu.
Oo! Inaamin ko na! Gwapo si Ryu. Makinis ang balat. Maputi. Maganda ang mata at tama lang sa kanya ang shape ng lips niya.
Aa! Basta masasabi kong kung physical features lang namang ang pinag uusapan. Siguradong mag stand out si Ryu sa lahat.
Hindi dahil friend ko siya kaya ako ganito. Sinasabi ko lang kung anong totoo sa nakikita ko.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...