Chapter 32

152 7 2
                                    

Chapter 32

Nakarinig ako ng isang mahinang tawa mula kay Mitch, kaya napatingin ako sa kanya.

"Tama nga ako Ryu, mali siya ng iniisip tungkol satin."

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko habang palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Sa tingin ko kailangan niyong mag usap na dalawa. Oh pano Ryu, mauna na ko."

Pasakay na si Mitch sa kotse.

"Teka!" pagpigil ko sa kanya. Kailangan kong makuha ang sagot mula sa kanya.

"Bakit Su?" lumapit ako at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Anong dahilan kung bakita ka bumalik dito?" ngumiti lang siya sakin.

"Hindi si Ryu ang dahilan, na homesick kasi ako doon kaya nagdecide ako na dumito na lang. Don't worry simula ng ipinagtapat ko kay Ryu ang feelings ko alam ko na hindi niya kayang ibalik ang feelings ko. Maswerte ka Su, kaya ikaw ng bahala sa kanya."

Sumakay na siya sa kotse niya at tuluyan ng nakaalis. Naiwan naman kaming dalawa ni Ryu. Kung ganon mali pala ako ng inaakala. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman ko pero medyo awkward na naman ngayon dahil kaming dalawa na lang ni Ryu dito.

Hindi ko alam kung may dapat ba kaming pag usapan. Nakonsensya naman ako bigla sa mga ginawa ko sa kanilang dalawa. Sino ba naman kasing hindi magseselos sa closeness nilang dalawa?

Unti unti siyang lumalapit sakin, parang napako naman ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makakilos.

"Im sorry kung masyado akong oa nitong mga nakaraang araw." Ayan na, sinabi ko na. Para naman matapos na kung ano mang hindi namin pagkakaintindihan.

"Ako dapat ang magsorry, pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan. Kaya hayaan mo sana akong mag paliwanag."

Umiiling lang ako sa kanya. "Tama na Ryu, Hindi mo na kailangang sabihin sakin ang lahat. Kasalanan ko Ryu kung bakit ako nagkakaganito kaya please, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Kung meron lang sana akong lakas ng loob na sabihin sayo, hindi na sana naging ganito."

"Bakit? Ano bang gusto mong sabihin?"

Napalunok ako bigla. Hala? Bakit ko nga ba sinabi 'yon? Lagot na.

"Aa, Eh.. Kala ko kasi girlfriend mo si Mitch kaya babatiin ko sana kayong dalawa." sabi ko sa kanya sabay bato ng bag ko sa kanya sa sobrang inis.

Sana mag work yung palusot ko. Please! Please! Please!

Hindi nagsasalita si Ryu. Nasaktan ba siya sa pagkakabato ko ng bag ko?

"Ano namang pumasok sa utak mo at naisip mong girlfriend ko siya? Puro hangin kasi ang laman ng utak." napataas ang kilay ko.

Para akong natauhan sa mga sinabi ni Ryu, pero nagrindi ang mga tenga ko sa huling sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay line ko dapat 'yon.

"Anong sabi mo!?"

"'Wag mo sanihing nagseselos ka?" Napa nganga na lang ako sa mga narinig ko. Kailan kong makaisip agad ng pambawi, kung hindi ako ang talo.

"Kung hindi kayo, bakit lagi kayong magkasama simula ng bumalik siya?"

Tumawa lang si Ryu, tawa na parang sinasabi niya na panalo na siya sa away naming dalawa.

"Laging magkasama? Sports festival ngayon kaya hindi malabo na magkita kaming dalawa. Nung gabi na nakita mo kami, nagpasama si Mitch papunta kayla Nico"

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon