Chapter 23

203 8 4
                                    

Chapter 23

Tumigil lang kami sa pagtakbo nang makarating na kami sa likod ng gym.

"May gusto ka kay Ran. Tama ba?" Tanong ko habang hingal na hingal pa ako dahil sa pagod.

Napatigil bigla si Mia.

Matagal bago siya nakasagot sa tanong ko.

"Oo, tama ka may gusto nga ako sa kanya." nahihiya niyang sagot.

Chance ko na 'to para makapagtanong sa kanya ng mga weird kong nafe-feel these past few days.

"Bumibilis ba ang tibok ng puso mo kapag kasama mo siya? Yung tipong kayong dalawa lang?"

"Oo." mabilis niyang sagot.

"Masaya ka kapag nakikita mo siyang masaya?"

"Oo."

"Minsan napapatitig ka sa kanya tapos kapag nahuli ka niya eh bigla ka na lang mahihiya sa harap niya. Yung concious na concious ka sa bawat galaw mo."

"Oo. Alam ko yang ganyang feeling." Sabi ni Mia na agree-ing agree sa mga sinabi ko.

Lagot na. Present na present na nga sa akin ang mga signs and symptoms.

"Teka lang Su, Inlove ka ba?"

Ako naman ngayon ang gulat na gulat sa itinanong ni Mia. Para akong nawalan bigla ng boses.

"Kailan mo na realize na may gusto ka na pala kay Ran?" Tanong ko Mia. Naghahanap din ako ng sagot sa tanong ni Mia. Baka kasi yung feelings ko para kay Ryu is as a friend lang.

Alam niyo naman na mahirap ang padalos dalos. Madaming girls ang aminado diyan na tulad kong confuse din kung gusto ba nila ang isang tao bilang kaibigan o yung next level na.

Naupo sa bench na malapit sa amin si Mia. Ngumiti muna bago nagsalita.

"Hindi ko alam." As expected. Bigla akong nawalan ng hope sa sinagot ni Mia.

"Eh pano mo nasabing gusto mo na nga talaga siya?" Sorry naman kung tanong ako ng tanong. Nacucurious lang kasi ako.

Tumayo si Mia at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.

"Alam mo Su, basta na lang kasing dadating 'yon. Wala siyang pinipiling time o panahon. Dadating ka sa point na everyday gusto mo siyang makita o makasama man lang." Inlove nga talaga si Mia. Hindi maitago ang mga ngiti niya.

"Aa, ganon pala 'yon." tinawanan lang ako ni Mia.

"Maiintindihan mo din ako Su. Madami pang pwedeng mangyari sayo. Ngayon kasi sa pakiramdam ko. In-denial ka pa na inlove ka."

Teka. Nababasa ba ni Mia yung iniisip ko? Wala naman sigurong nag po-pop out na cloud dito sa ulo ko?

"Ganyan din ako nung una kasi di ko matangap na inlove ako sa kanya. Pero wala ganon pala talaga. Hanggang sa lumipas na lang yung araw na laging si Ran na lang ang laman ng isip ko."

Na-amaze naman ako bigla sa mga sinasabi ni Mia. Nagbago bigla yung aura niya nung si Ran na ang pinaguusapan namin. Sana lagi na lang siyang ganito.

"Sinubukan mo na bang sabihin kay Ran?" nawala bigla ang masayang ngiti ni Mia.

"Hindi pa. Nag-iipon pa ko ng lakas ng loob. Ngayon kasi nakikita ko na sa iba nakatingin si Ran at hindi sakin."

Nakatingin ng diretso sa akin si Mia na para bang ako ang pinapatamaan niya.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon