Chapter 42
"Ano pa bang dapat kong malaman?! Kulang pa ba ang lahat ng mga 'to? Una si Daddy ngayon naman si Mommy?" medyo napagtaasan ko sila ng boses kaya naman nagulat ako sa mga naging reaksyon nila.
"Hana.."
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "I-im sorry, hindi ko sinasadya."
Pinupunasan ko ng paulit ulit ang mga mata ko pero hindi pa din nawawala ang pagpatak ng mga luha.
Hanggang kailan ako magiging ganito? Pakiramdam ko ay hindi ako anak ng sarili kong mga magulang. Para akong tanga na naghahanap ng sagot sa mga tanong ko na dapat ay matagal ko ng nahanap kung anong sagot.
"Ryu, ihatid mo na si Hana sa kwarto niya. Kailangan mo ng magpahinga Hana." naramdaman ko na lang ang paghawak ng mahigpit ni Ryu sa kamay ko.
Habang naglalakad kami palayo ay para akong bata na iyak pa din ng iyak. Pakiramdam ko, para akong stranger na pilit na nanghihimasok sa buhay nila mommy at daddy.
Nakarating na kami sa loob ng kwarto ko, hawak pa din ni Ryu ang kamay ko.
"Magpahinga ka na Hana. Alam kong may dahilan kung bakit hindi nila sinabi sayo ang lahat."
Pinunasan ni Ryu ang mga luha sa pisngi ko, napapikit ako ng inilapit niya ang mukha niya sa akin.
Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi ni Ryu sa noo ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya.
"Salamat Ryu."
Ipinahinga ko muna ang sarili ko.
Mahaba ang naging tulog ko kaya naman hapon na ng magising ako na medyo maga pa ang nga mata sa pag iyak.
Actually pagsilip ko sa bintana, palubog na yung araw. Hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit mula kanina kaya nagshower muna ako para mabawasan ang stress ko.
Habang nasa loob ako ng shower room, naalala ko ulit ang mga salitang sinabi ni Mr. Ford.
Alam kong may ibig sabihin siya sa mga binitawan niyang salita. May koneksyon ang lahat ng nangyayari ngayon sa nangyari sa nakaraan.
Ano ang koneksyon ni Mr. Ford kay mommy at daddy?
Lumabas ako ng room para hanapin si Mr. Ueda. Hindi ako makakatulog ng maayos hangga't hindi ko nalalaman ang lahat.
Nakita ko si Don, Mr. Ueda at Ryu na nasa labas at mukhang nagkakatuwaan sila.
Palakas ng palakas ang tawanan nila habang papalapit ako ng papalapit.
"Mr. Ueda, pwede ba kitang.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumambad sa akin ang mga itsura nilang mukhang mga lasing.
Napatingin ako sa mesa sa harap nila.
I knew it. Ang aga aga naman yata nilang mag inuman?
Si Don at si Mr. Ueda ay walang tigil sa pagtawa. "Oh ikaw pala 'yan Hana! Bakit hindi ka sumama sa amin na uminom?" yaya ni Mr. Ueda.
Paalala: Huwag susundin si Mr. Ueda, isa siyang bad influence para sa mga minor na tulad ko.
Paano ko siya makakausap kung lasing sila? Pambihira. Napansin ko naman si Ryu na tahimik lang na nakaupo at hindi nagsasalita. Mukha naman siyang hindi nakainom kaya siya na lang ang kinausap ko.
"Hoy, anong nangyari at bakit bigla bigla naman silang nag inuman?"
Tumingin sa akin si Ryu. Napansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya na pilit niyang itinatago sa akin.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...