Chapter 45

93 4 3
                                    

Chapter 45



Lahat kami ay busy sa pagaayos para sa party. Tahimik lang ako habang inaayusan ako ni ate.
"Okay ka lang ba?"

"Hhm." tumango na lang ako.

"Hindi ko alam kung anong klaseng party ang pupuntahan niyo, pero nakikita ko mukha mo na kinakabahan ka."

Tumingin ako kay ate mula sa salamin. "Kinakabahan kasi ako ate."

"Talaga? First time ko lang na makita kang ganyan." tinawanan ako ni ate habang inaayos niya ang buhok ko.

"May tao kasi kaming ililigtas. Sana makuha namin siya para matapos na ang paghihirap niya."

"Aa ganun ba? Mukhang gulo 'yan kapag hindi naging maayos ang plano."

Kailangan naming mag ingat dahil si Ran ang balak naming itakas mula kay Mr. Ford.

Kaya konting tiis na lang Ran, magtiwala ka lang sa amin.

Mga ilang oras pa ay may kumatok na sa kwarto ko. "Hana, nakahanda na ang lahat. Ikaw na lang ang hinihintay." sabi ni Don.

Inaayos na lant ni ate ang pagkakafit ng black dress ko. Bakit black dress? Ito kasi yung favorite color ko at alam kong babagay sakin.

Tinignan ako ni ate mula ulo hanggang paa habang nakahawak sa bewang niya.

"You look so beautiful Hana." nakangiting sabi ni ate.

"Thank you ate." tinignan ko ang itusra ko sa salamin.

Perfect.

Black dress, black high heels, may necklace at earings na medyo mabigat sa leeg at tenga and lastly ang red lips na nagpakumpleto ng lahat.

"Goodluck Hana." hinug ako ni ate at kiniss sa cheeks.

Paglabas ko ng pinto, wala kong nakitang tao. Baka nasa sala na sila?

Nakasunod lang si ate sa akin sa paglalakad. Medyo uneasy pa ako sa suot ko dahil first time kong magdress. Ang lagi ko lang kasing porma eh black leather jacket with matching black shoes.

Formal party kaya dapat magdamit ng maayos. Habang pababa na ako sa stairs ay nakita ko na sila.

Nakablack suit si Don. Naka all white naman si Mr. Ueda at si Mia naman ay parang anghel na bumaba sa lupa dahil sa itsura niya.

"Wow." narinig kong sabi ni Mia.

Lumapit ako sa kanila. "Sorry, nakalimutan ko lang yung phone ko " kakadating lang pala ni Ryu.

Nagkatinginan kaming dalawa. Oh em, si Ryu ba talaga ang nakikita ko ngayon?

Mukhang bagong gupit siya at masasabi kong.. ang hot niya sa suit na suot niya.

Ano na naman ba 'tong naiisip ko?
Bago pa ako mawala sa katinuan ay nagsalita na ako.

"Alam niyo na siguro kung anong plano? Kailangan natin siyang makuha mula kay Mr. Ford. Hindi tayo pwedeng magkamali ng kilos, kaya mag iingat kayo."

"Yes master."

Magkasama kami sa iisang sasakyan ni Mia si Ryu, Mr. Ueda at Don naman ang nakasakay sa kotse na kasunod namin.

May mga bodyguards din sa harap at likod namin.

"Kapag hindi ka pa tumigil ng kakatingin sakin, baka magisip na ako ng iba Mia." ang oa naman kasi niya makatingin.

"Pasensya na, first time kasi kitang makita na ganyan ang itsura kaya hindi lang ako sanay. Masyado ka kasing maganda, baka pagkaguluhan ka sa party."

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon