Chapter 28

185 8 2
                                    

Chapter 28

Last day na ng preparations para sa sports festival kaya super busy na ng lahat.

Habang nag-pra-practice ako, hindi pa din mawala sa isip ko si Mitch at Ryu.

Sa totoo lang, bagay na bagay silang dalawa. SI Ryu na super sungit plus si Mitch na sobrang bait equals, a newborn couple.

Ngayon lang naman ako ulit bumalik sa eksena ni Ryu kaya hindi ako aware sa mga ganitong bagay sa buhay niya. Ito siguro yung dahilan kung bakit hindi na kaibigan ang turing niya sa akin, dahil mas kailangan niya ng isang girlfriend sa tabi niya.

Pero ang weird lang dahil sa mga ipinapakita sa akin ni Ryu alam kong deep inside ay may concern pa din siya sa akin. Hindi kaya, kaya siya gun ay dahil lang sa awa?

Buti pa si Mitch, nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin sa lahat ng tao ang nararamdaman niya para kay Ryu. Dapat ko na din bang sabihin kay Ryu kung anong nararamdaman ko para sa kanya? Para magkaroon na ng closure ang feelings ko ito na alam ko namang hindi na mag blo-bloom?

Handa na ba talaga akong masaktan at tangapin na lang ang lahat? Kasi sa tingin ko 'yon lang ang way para makapag move on na ako. Nakakatawa lang noh? Mag mo-move on na ako agad ng wala man lang akong kalaban laban.

Habang nagpapahinga kami nakita ko si Ran kasama yung mga classmates niya.

"Su! Kamusta ka na?"

"Heto, Okay na okay na ko." pagmamayabang ko sa kanya.

"Pupuntahan sana kita pero naging busy kasi ako nung isang araw kaya hindi na kita nabisita."

"Okay lang 'yon, hihi." natatawa kong sabi sa kanya.

Nagsimula na kaming magtatawanan ni Ran habang naguusaptungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Ngayon ko lang napansin, kapag si Ran ang nakakausap ko wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa pagiging masaya. Pero bakit kapag si Ryu ang kausap iba yung feeling? Yung tipong hindi ko matatagalan miski ang pakikipag titigan sa kanya.

"Tara. Punta tayong canteen. Nauuhaw na ko." yaya ni Ran.

"Wait lang, kunin ko lang yung wallet ko sa bag." patakbo na sana ako nang biglang hinawakan ni Ran ang kamay ko para pigilan ako.

"Wag na, ako nang bahala." napatingin ako sa kamay ko kung saan nakahawak si Ryu.

"Okay sige, sabi mo yan ha? wala ng bawian."

Nawala ang mga ngiti sa labi ko ng makita ko si Ryu at kasama niya si Mitch na palapit sa amin. Nagtataka si Ran kung san ako nakatingin kaya napatingin din siya.

"Ran! Kamusta ka na?" bati ni Mitch.

Sa malapitan, napakaamo pala talaga ni Mitch. Kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanya, di hamak naman na mas mahinhin siya sakin. Pero kung ganda lang ang paguusapan, pantay lang siguro kami? Kahit dito man lang makabawi ako eh okay na ko.

Hindi pa din binibitawan ni Ran ang isa kong kamay kahit na alam kong medyo nagtataka na si Ryu at mitch sa ginagawa namin.

"Nakabalik ka na pala, mabuti naman ako mitch." Sinusubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Ran pero mahigpit ang hawak niya sa akin.

Bakit ba ko napunta sa ganitong sitwasyon? Nakaiwas lang ako ng tingin sa kanila.

"Ikaw? diba ikaw yung girl na nakita namin ni Ryu nung isang gabi. Dito ka din pala nag aaral?" napansin na ako ni Mitch kaya naman wala na akong lusot.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon