Chapter 52

28 0 0
                                    

Chapter 52

"Wait lang ha, punta lang akong cr saglit." paalam ko sa dalawa.

Paglabas ko ay agad kong hinanap kung nasaan nagpunta si Nico.

Nakita ko siya sa isang tabi habang nakaupo at malalim ang iniisip.

"May problema ba?" nagulat si Nico sa bigla kong pagsulpot.

"Problema? Mukha ba kong may problema?" nagdedeny pa siya, eh obvious naman na meron.

"Ang sinungaling mo. Halata naman na hindi mo gusto na makita si Kat na sa ibang lalaki nakatingin at hindi sayo."

Natawa lang si Nico. "Paano mo nalaman? Manghuhula ka ba Su?"

"Oo, sideline ko ngayon 'yun."

Nagbiro na lang ako sa kanya para naman mabawasan yung ilang niya sa akin.

Hindi naman kami super close ni Nico kaya alam ko na baka hindi siya ready na mag share ng problema niya.

"Halos six months ko na siyang nililigawan. Sa una, okay naman kami. Lumalabas kami kapag wala kaming pasok. Hinahatid at sinusundo ko siya sa school. Palagi din kaming magkausap sa phone gabi gabi. Pero hindi ko naman akalain na magbabago siya bigla simula ng ipakilala ko sa kanya si Ryu?"

Wow. Totoo ba 'to? Nagsha-share ng problema si Nico sakin?

Infairness, pakiramdam ko eh pinagkakatiwalaan niya ako.

"Si Ryu?"

"Simula ng ipakilala ko si Ryu kay Kat, palagi niya ng bukang bibig si Ryu. Bawat oras na magkasama kami, si Ryu na lang ang lagi naming pinaguusapan. Nag iba si Kat bigla, pakiramdam ko hindi niya talaga ako nagustuhan at kay Ryu siya interesado. Kaya nga kami nandito ngayon kasi gusto ni Mia na dalhin ko ang buong barkada. Dinahilan niya lang na opening daw kasi nila pero alam ko naman na si Ryu lang ang dahilan."

Ang drama naman pala ng pinagdaanan ni Nico. Sa lahat ng pwedeng magustuha ng babaeng gusto niya eh yung bestfriend pa niya.

"Kaya ko ba namin kayo nakita na nag bunny ears ay dahil sa kanya?"
Naisingit ko lang sa usapan.

Tumango naman si Nico. Ready talaga siya na i give up ang pride niya para lang mabigay ang gusto ni Kat.

At ang babaeng flirt naman, hindi man lang talaga inisip kung anong nararamdaman ni Nico?

"Alam ba ni Ryu na ganyan na yung nararamdaman mo?"

"Hindi, kasi hindi ko naman siya masisisi kung may gusto talaga sa kanya si Kat."

Napakamartyr naman ng lalaking 'to. Mas pililiin niya pa talagang tiisin na lang ang lahat.

Sobrang lungkot na ng mukha ni Nico, daig pa niya namatayan.

Binigyan ko siya ng isang malakas na hampas sa likod na ikinagulat niya.

"Tumigil ka nga sa kakaisip mo ng kung ano anong napaka negative na bagay. Sabihin mo mismo kay Kat kung anong nararamdaman mo nang magkaalaman na, hindi yung pinagmumukha ka niyang tanga."

Lakas ko maka advice noh? Pero sa sarili ko hindi ako ganyan.

Parang natauhan si Nico sa sinabi ko.

"Mas maganda kung malinaw sayo kung may pag asa ka ba o wala para hindi ka nagaaksaya ng oras sa taong paasa lang."

Hinatak ko na si Nico papasok ulit ng shop. Alam kong nagtataka sila sa ikinikilos naming dalawa.

Buti na lang at nandito pa din si Kat. Waitress siya dito pero mas marami siyang time na magasikaso kay Ryu kesa sa trabaho niya.

"May sasabihin daw sayo si Nico, Ms. Kat" buti naman at tumigil na siya ng kakalandi kay Ryu at mataray na tumingin sa akin.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon