Chapter 48
Ang sakit ng ulo ko! Para akong tinotorture sa sakit.
Tanghali na ako nagising kaya medyo gutom na yung tiyan ko.
May bandagea ako sa paa kaya medyo nakakalakad na ko ng maayos.
Papunta ako ng sala para hanapin si manang, gusto ko kasing magpaluto ng favorite kong sinigang.
"Good afternoon Hana!" ang ingay nga naman. nandito pa pala si Mia. Hindi ba siya umuwi kagabi?
Nakita ko si Ran at ngumiti lang siya sa akin. Lahat sila nakatingin lang sa akin maliban kay Ryu na may kausap sa phone niya. Medyo may idea na ako kung anong gusto nilang pagusapan ngayon. Tandang tanda ko pa yung mga eksenang makulit ako kagabi. Konti lang naman ang nainom ko pero ang lakas pala ng effect sakin. Next time ayoko na. Baka kung ano pang magawa ko.
"May dumi ba ko sa mukha?" ang aga aga pero nagtaray na agad ako sa kanila. Front ko lang 'to para di na sila magbalak pa na pag usapan yung nangyari kagabi.
"Heto iha, uminom ka nito para mawala yang hangover mo" iniabot sa akin ni manang ang isang baso ng malamig na tubig.
Straight kong ininom kaya medyo gumaan yung pakiramdam ko. Pansin ko pa ding may mga matang sinusundan pa din ako ng tingin.
"Isa pang tingin niyo sa akin, sigurado akong hindi niyo magugustuhan kung anong gagawin ko." pagbabanta ko sabay lapag sa mesa ng hawak kong baso.
"Wala ka bang naaalala sa mga ginawa mo kagabi?"
"Bakit? May ginawa ba ako kagabi?" Naloko na, mukhang kating kati na sila na asarin ako.
"Sigurado ka? Wala talaga?" tanong ni Don.
Umiling lang ako na parang inosenteng bata. Sana maging convincing ang acting ko kasi alam ko namang pagtatawanan at aasarin lang naman nila ako.
Kunwari hindi ko talaga naaalala lahat, pero hindi eh!! Tandang tanda ko lahat. Ewan ko ba pero trip kong mangulit e. Ewan ko ba? Ang hirap i-explain kung bakit.
Bigla akong nauhaw at kumuha ulit ng isa pang baso ng tubig na nasa mesa. Diretso ulit akong uminom.
"Kiss me." bigla kong naibuga yung tubig sa bibig ko na ikinagulat nila.
Napatingin ako ng masama kay Ryu. Nagsisimula na naman siya.
"Anong kiss me? May nag kiss o may gusto ng kiss?" kulang na lang eh malaglag ko yung basong hawak ko dahil sa tanong ni Mia.
Tawa naman ng tawa si Ran habang si Mr. Ueda naman ay nagpipigil ng ngiti.
Napataas na lang ang kilay ko.
Inabutan ako ni manang ng towel.
Grabe na talaga! Nakakahiya!Hinga munang malalim at 'wag magpadala sa inis. Ayokong maasar pa ako lalo sa kanila.
"Kailangan nating magusap usap. Maghihintay ako sa library kaya sumunod na lang kayo."
Seryoso akong nagsalita kaya naman hindi na sila muling nangasar. Subukan lang nila! Hmpf! Makuha sila sa tingin.
Nauna na ako papunta sa library at nakasunod lang sila sa akin. Feeling ko tuloy ako yung pinaguusapan nila.
Hindu ba talaga sila titigil?Nandito na kami ngayon sa loob. Naupo ako sa sofa at sila din.
Wala man lang ni isang tumabi sa akin dahil lahat sila nasa katapat ko an nakaupo.
Napahawak na lang ako sa ulo kong masakit pa din. Alam niyo yung feeling na gusto niyong manakal dahil sa inis?
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...