Chapter 47
Madaming guard na nakabantay sa harap kaya wala akong choice kundi kumilos para maakalabas si Mia at Ran.
"Pag sinabi kong takbo, lumabas na kayong dalawa."
Tumango lang sila habang nagtatago sa likod ko.
Lumapit ako sa mga guards. "Hoy bata, hindi mo ba alam na tapos na 'yung party?"
"Si Ran!" nakita na nila si Ran.
Ngumiti ako sa kanya at mabilis kong sinipa ang private part niya. Natumba na yung isa kaya inisa isa ko na sila.
Sinugod ko sila habang pinapaulanan ko sila ng suntok at sipa sa katawan. Partida naka heels pa ako ng lagay na 'to kaya lalong sumakit yung mga paa ko.
"Takbo na!" wala ng guard sa labasan kaya tumakbo na sila.
Nakita ko namang nakalayo na silang dalawa. Wala na palang nakatayo sa paligid ko.
Tinangal ko yung heels ko at pinunit yung dress ko para maging komportable ako sa pagkilos.
"Nasaan na sila?" mabilis akong tumakbo pabalik kung saan ko huling nakita si Ryu at Don.
Malayo pa lang ako pero naririnig ko na ang ingay mula sa loob. Kinakabahan ako lalo.
Sinubukan kong buksan yung malaking pinto pero nakasara.
"Ryu! Don!"
Patuloy lang ang ingay sa loob. Umatras ako ng konti para bumwelo. Sinipa ko ng malakas yung pinto, buti na lang at bumukas na.
Nakita ko si Don at si Ryu na hingal na hingal. Halos mapuno ang lugar na 'to ng mga tauhan ni Red.
Hingal na hingal na silang dalawa habang iniiwasan ang mga suntok at sipa sa kanila.
Anong laban nilang dalawa sa halos fifty persons na nakapaligid sa kanila.
"Ryu! Don!" tawag ko sa kanila. Humarang sa harap ko yung iba na ikinainit ng ulo ko.
"Alis diyan!" parang nagdilim bigla ang paningin ko sa kanila.
Para lang akong naglalaro sa ginagawa ko sa kanila.
"Gusto niyo ng sakit sa katawan?!"Sorry ang init na talaga ng ulo ko sa kanila kaya pinatulog ko muna sila.
Ang dami pala ng mga asungot na 'to. Saan naman nakuha ni Red ang ganito kadaming tauhan.
Hingal na hingal na ako, ang init sa pakiramdam ng dress na 'to kahit punit punit na yung ibabang part dahil sa pagkilos ko.
Ang sakit na din ng paa ko dahil kanina pa ko walang suot na sapatos.
Napansin ko na parang dinaanan na pala ng bagyo dito. Sira sira na yung nga tables at nagkalat ang nga table cloth sa sahig.Yung mga nakahandang food, hindi man lang nagalawa. Sayang naman kaya kumuha ako ng isang piraso ng chicken mula sa mesa.
"Break muna tayo, nagugutom na kasi ako." nakatingin lang sila sa akin habang i-ne-enjoy ko yung leg part ng chicken. Wala ng arte arte sa mga ganitong oras, lalo na kapag gutom ka.
May isang bote akong nakita, mukhang tubig naman ang laman kaya ininom ko na lahat.
Oo! Lahat! Walang natira.
"Kayo? Hindi pa ba kayo nagugutom?" parang kakaiba yata yung lasa ng nainom ko?
Napapailing na lang si Don sa ginawa ko. Bakit ba? Eh sa gutom na ko eh. Mamili sila, lalo akong mababadtrip sa kanila dahil gutom ako o hahayaan nila akong kumain para medyo magaan pa ang mga kilos ko?
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...