Chapter 22

190 8 2
                                    

Chapter 22

Ngayon na alam na nila ang lahat, medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

At dahil sa nangyari sa akin, magdamag akong sinermunan ni Mr.Ueda at ni Don.

**

After ng isang araw na pahinga ay nakapasok na ulit ako sa school.

"Su! Okay ka lang ba? Naaksidente ka daw?" salubong ni Rika at Naomi.

"Oo eh, pero okay na ako ngayon. Nagkaroon lang ako ng maliit na sugat."

"Malapit na yung sports festival sure ka ba na sasali ka pa din?" pag aalala ni Rika at Naomi.

"Oo naman! Nakakalakad at nakakatakbo naman ako ng maayos. Tsaka pagaling na yung sugat ko kaya wala kayong dapat ipag alala." pagmamalaki kong sabi. Hindi pwedeng hindi ako makapaglaro sa sports festival.

Half day lang ang classes namin dahil lahat busy sa preparations para sa sports festival.

Nakareceive ako ng tawag mula kay Meru na nasa principal's office na daw sila. Ngayon pala ang unang report nila tungkol sa pinapagawa ko.

Pagpasok ko sa loob ng office nakita kong kumpleto na silang lahat. Pati si Don ay nandito na din.

"Dala ko yung mga documents na hinihingi mo kay Mr. Ueda."
Naupo na kaming lahat at nagsimulang mag meeting.

"Anong update sa ipinapagawa ko sa inyo?"

"Meron na kaming nabuong listahan." iniabot ni Meru ang isang papel sa akin.

Tumayo sa harap si Mia.

"Bago kami nakabuo ng listahan, madami kaming criteria na tinignan." sabi pa ni Ryu.

Binuksan ni Ryu yung tv sa harap namin. Wow? hindi naman sila prepared ng lagay na 'to?

Okay. Focus muna. Taman muna ang puro biro at kailangan nang magseryoso.

Para akong makikinig sa isang business proposal.

"Ito yung ilan sa mga criteria kung san kami nag base. Basic profile, position upgrade, Years of service, and acess to confidential files." muling sabi ni Ryu.

"Nag-investigate na din kami tungkol sa mga background nila na pwede nating magamit, at mga iniformations na kahina hinala." sabi naman ni Mia.

Nabasa ko ang mga names sa listahan. Thirty persons in total.

"Meron akong documents dito na list nang mga investors ng kompanya. Summarize copy na ito kaya nakarank na sila base sa laki ng perang naipasok nila sa kompanya."

"Money wise. Kung gusto niyang makuha ang kompanya pwede niyang gamitin ang shares niya para mabili ito." biglang sabi ni Don.

Tama.

Pinagsama namin yung mga documents and reports na nagawa namin at may ilang mga pangalan ang nag appear sa both reports.

"Lets see kung sino sino na sila."

Mula sa thirty nag narrow down na lang into ten persons. Ang walo sa kanila ay mga board members, at yung dalawang natitira ay Business partners ng kompanya.

"Lahat ng Board members ay suspects, including our parents." mahinang sabi ni Meru.

Medyo hindi ako mapalagay sa mga pangalan na nag appear sa listahan. Nandito din ang pangalan ni Mr. Ueda.

Hindi ko siguro matatangap na lokohin ako mismo ng mga taong pinagkatiwalaan ko. Kabilang sa mga Board members ang daddy ni Meru, Mommy ni Mia at Daddy ni Ran.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon