"I knew it! Ang lakas lakas mo magsalita ng kung ano ano sa kanila tapos ako ihaharap mo?"
Nag peace sign lang sakin si Mia.
"Hoy! Daldalan kayo ng daldalan! Naghihintay na yung mga audience natin!" sigaw ni girl.
Isa pa 'to, sigaw ng sigaw.
"Pwede bang magusap usap na lang tayo ng maayos? Wala din naman kasi kayong mapapala kung magsasakitan lang tayo."
Ito ang tinatawag na negotiation stage. Ayokong mangyari na naman yung gulong nangyari sa akin noon laban sa grupo nila Ryu.
Ginawa ko lang 'yun para turuan sila ng leksyon. Iba naman kasi ang sitwasyon ng mga babaeng ito. Alam ko namang naiingit lang sila dahil sa mga ipinapakita sakin ni Ryu, natural na reaksyon ng isang taong nakikita ang taong gusto niya na interesado sa iba.
"Naduduwag ka na ba Nakahara? Nasaan na yung babaeng nagpatumba sa grupo nila Ryu?"
They still remember what i did before. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ba sila natatakot na baka ganun din ang gawin ko sa kanila?
"Isipin niyo na kung anong gusto niyo. Pag sinabi kong ayoko, ayoko."
May kung sino ang tumatawag sa akin.
"Wrong timing ka." si Don.
"Anong ginagawa mo diyan?! Makikipag away ka na naman?!" sigaw niya.
"Im just talking to them. Sila 'tong may gusto ng gulo."
Nakatingin lang silang lahat sa akin habang may kausap ako sa phone.
"Umalis na kayong dalawa diyan."
Napabuntong hininga na lang ako.
"Okay, bye."
Ibinaba ko na yung phone at tumingin kay Mia.
"Tara na."
"Scared?"
"Think Mia. We don't need to do violence just to convince them to stop. Sometimes walking walking is the best thing to do. Don't lower yourself just because your angry at them."
Ang haba ng explanation ko kay Mia, wish ko lang na naintindihan niya ako.
"Pero Su.."
"Tara na." naglakad na kami palabas ng gym.
"Saan kayo pupunta?" hinawakan ako sa balikat ng isa sa kanila.
Aakma sana siya na susuntukin ako pero natigilan siya nang bigyan ko siya ng isang death glare.
"Go ahead. We both know na kapag gumanti ako sayo it will just be an act of self defense." utos ko sa kanya.
Agad naman niya akong binitiwan. Humarap ako sa kanila.
"I didn't mean to hurts your feelings. Alam ko kung gaano niyo ka gusto si Ryu. But it's his decision kung sino man ang dapat niyang magustuhan right?."
Wala ni isang nagsasalita sa kanila. Ayan, tinamaan siguro sila sa sinabi ko.
Oh see? Kailangan lang talaga nilang ma realize ang mga bagay bagay.
Hinila ko na si Mia palabas ng gym at sumigaw sa lahat "Tapos na yung show! Pwede na kayong mag aral ulit!"
I can't accept this kind of situation. Hindi na natural para sa isang high school student ang palaging pakikipag away, hindi pag aaral ng mabuti at higit sa lahat walang respeto sa mga mas nakakatanda sa kanila.
Ngayon na lang ulit nangyari sakin ito simula ng makaaway ko yung grupo nila Ryu at sa tingin ko hindi lang ako ang nakaka experience ng mga ganito.
May iba pang mga students na hindi na lang nagsasalita dahil natatakot?
Sanay na at hinahayaan na lang? O di kaya nagbubulagbulgan na akala nila okay lang sila?
Nakakainis lang. Ito yung isang malaking mali na sa tingin kong dapat ayusin dito sa school.
Oo, hindi maiiwasan ang mga ganitong bagay. Pero sa ganitong klase ng setting na nagagawa lang nila lahat ng gusto nila? Nakukuha pa nilang mag enjoy kapag may na bu-bully? Aba may mali ata sa utak ng mga estudyante dito.
Hila hila ko lang si Mia habang naglalakad kami sa hallway. "Ang aga aga pinapainit nila yung ulo ko."
Nakasunod lang sa amin si Rika at Naomi. "Masyado ka namang mabait kanina, kung alam lang nila kung anong kaya mong gawin sa kanila edi sana kinain na nila lahat ng mga sinabi nila."
Huminto ako sa paglalakad sa sinabi ni Mia at hinarap siya. "Isa ka pa Mia."
Ayoko ng magsalita pa, baka kung ano na ang masabi ko.
"Sorry." mukhang na gets naman ni Mia ang nasa isip ko.
Nakatingin lang sa amin si Rika at Naomi. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa.
"Pasensya na kayo." sabi ko na lang.
"Okay lang, habang tumatagal lalo kitang nagiging idol Su! Ang cool mo talaga!" sabi ni Rika.
"Oo nga! Nako, kung isa ka din sa mga warfreak na students dito sa school tapos pinatulan mo sila? Sigurado akong mag e-enjoy na naman yung ibang mga students."
Napakagat na lang ako sa labi dahil sa inis. Sino bang mga utak hangin ang nagpasimuno ng kalokohang 'to?
"Kailan pa may nangyayaring ganito dito sa school? "
Nagisip muna silang tatlo bago nila ako sinagot.
"Hindi ako sure, pero simula ng pumasok ako sa H.H ganito na palagi dito. Away dito, away doon. Nasanay na lang kami na minsan naka broadcast pa talaga kung pano nila binubully yung isang student o di naman kung anong mga ibat ibang show o event ang ginagawa nila." sabi ni Mia.
Tumango lang din si Rika at Naomi sa mga sinabi ni Mia. "In my case, natauhan naman na ako kaya i stopped. Pero yung iba? Ganun pa din sila." muling sabi ni Mia.
Kung sino man ang nagpasimuno ng ganitong mga walang ka kwenta kwentang bagay dito sa school, mananagot talaga siya sakin.
"Hindi naman daw ganito yung H.H dati, siguro kasi namatay na yung founder ng school. Sabi ng mom ko e When he Speaks, everyone is listening." kwento naman ni Naomi.
Nagakatinginan lang kami ni Mia. Si Dad yung tinutukoy ni Naomi.
"Wow. I hope he's still here."
Wish ko lang na maging totoo yung sinabi ni Rika. Kung ano man ang nangyayari dito ngayon sa school, sigurado akong hindi ito magugustuhan ni Dad.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kung nasa posisyon ako ni Dad, anong gagawin ko?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nagiisip kung paano ko ba masosolusyunan ang ganitong problema ng school.
"Su? Okay ka lang ba?" tanong ni Rika.
Tumango lang, kailangan kong mag isip ng way para matigil na yung ganitong kalokohan.
END OF CHAPTER.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Misteri / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...