Chapter 43
Naka pag-prepare na ko for school bago pa tumunog yung alarm ko. After kong magaayos ay dumiretso na ako sa dining area para kumain ng breakfast.
Napahinto ako paglalakad ng makita ko si Ryu sa hallway, habang nakahawak sa ulo niya.
"Goodmorning." bati niya.
"Goo-goodmorning." nauutal utal na naman ako. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa mga lips niya. Sorry, ang manyak ko ba?
"Oh nandyan na pala kayong dalawa, bakit hindi pa kayo maupo dito." yaya ni manang.
Nandito na din pala si Don at Mr. Ueda na mukhang may mga hangover pa.
"Kayong dalawa, bakit niyo naman isinama pa si Ryu sa paginom niyo kagabi? Iinom inom kayo tapos ngayon magrereklamo kayo na masakit ang ulo niyo?!" hala, mukhang tinotoo nga ni manang na sesermunan niya ang mga pasaway na 'to.
Naupo ako sa tabi ni Don para makaiwas kay Ryu pero tinabihan niya pa din ako sa pag upo.
"Doon ka, ang dami daming space doon sumisiksik ka pa dito. Alis!" dinedma niya lang ako at tinignan ako ng masama na parang sinasabi niya na, "Masakit ang ulo ko kaya 'wag kang magulo.
Napansin ko naman na nakatingin sa amin si Don at Mr. Ueda.
"Kung hindi kayo titigil ng kakatingin ilalabas ko kung anong pinag gagagawa niyo kagabi." pagbabanta ko sa dalawa sabay labas ng phone ko para lubayan na ako ng tingin.
Alam ko kasing may kung ano iniisip nila. "Manang, ikaw ba ang naghatid sa akin sa kwarto?" biglang tanong ni Ryu na hinihimas pa din ang ulo niya.
"Bakit iho, may nangyari ba?" kumuha ako ng tinapay at isinubo iyon habang nakikinig sa usapan nila.
"Pakiramdam ko kasi parang may humalik sakin kagabi." bigla akong nabulunan sa sinabi ni Ryu. Ano 'yun? Tulog ba talaga siya oh ano?!
"Oh Hana! Okay ka lang ba?" tinapik tapik ni Don ang likod ko sabay ngiti.
Tumingin ako kay Ryu at nakita kong nakangiti lang siya. Oh my! 'wag mo sabihing gising siya ng mga oras na 'yon?
Napatingin ako bigla kay manang para senyasan siya na 'wag ng magsalita pero huli na.
"Nako, hindi ako iho. Ang alam ko si Hana ang naghatid sayo."
Lagot. Tumingin ako kay Ryu at ngumiti lang siya sa akin. Ngiting alam kong may meaning. Nafeel ko na lang na pati sila Don ay nakatingin sa akin. Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?
Kanina lang ako pa 'tong nangiinis sa kanila tapos ngayon ako na ang pinagtritripan nila. Hmm.. Compose yourself hana, pag nagpadala ka sa mga ngiti at tingin ng tatlong kumag na 'to e talo ka. Kailangan quiet ka lang at 'wag kang kakabahan. Kaya mo 'yan.
Ito na ba yung parusa ko dahil sa ginawa ko kay Ryu? Napalunok na lang ako at muling ibinangon ang sarili ko.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" mataray kong sabi sa kanila.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain, syempre hindi ko nagpapahalata. Nakakainis!
Tahimik lang silang kumakain, nararamdaman siguro nilang badtrip ako kaya wala ng isa sa kanila ang nagsalita tungkol sa topic.
"Thank you manang sa breakfast, mauna na po ako." tumayo na ako at kinuha yung bag ko.
"Teka, sabay na tayo." dinedma ko lang si Ryu at mabilis na lumabas ng room.
Nakakainis siya! So gising pala siya kagabi? Nakakahiya! Na witness niya ang pagiging pervert ko. T_T
Naramdaman ko na namang umiinit ang mga pisngi ko. Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa sobrang inis sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Misteri / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...