May announcement.
"General assembly at the gymnasium at exaclty 1 pm today. Attendance is a must. For those who will skip, a necessary action will be taken."
Twenty minutes from now, haharap na ako sa kanilang lahat.
May kung sinong kumakatok sa pinto.
"Pasok."
Si Ryu at si Mia. Pareho silang hingal na hingal.
"May problema ba?" pumasok na silang dalawa sa loob at naupo agad sa sofa.
"Anong meron sa announcement ni Don?" tanong ni Ryu.
"Nag decide ako na ireveal na sa mga students kung sino ako. I need to do this to make things in order."
"Ha? Okay ka lang?! How can you be so sure na when you reveal yourself e magiging okay ang lahat dito sa school?" angal naman ni Mia.
Ngumiti na lang ako. "Sa ayaw o sa gusto nila, dapat silang sumunod sakin."
"Sigurado ka ba diyan sa gagawin mo? Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari."pag aalala ni Ryu.
"If not now, when? alam ko ang pwedeng maging consequences ng decision ko but i've made up my mind already."
Tumahimik na lang silang dalawa. Alam ko namang concern sila. Wala si Meru at si Ran ngayon kaya sila ang nagiging suporta ko ngayon.
Time check, five minites before 1pm.
Lumabas na kami ng office at naglakad papunta ng gym.
May mga nakakasabay kaming mga students na nagmamadali sa pagpunta doon. May iba naman akong nakikita na nakatambay lang sa labas at parang walang pakialam sa mangyayari sa loob ng gym.
Medyo madami ng tao dito sa loob ng gym pagpasok namin. Lahat sila nagaabang lang sa kung anong mangyayari.
Habang papalapit ako sa stage, nakita ko na yung mga teachers at iba pang employee's ng school na tahimik lang na naghihintay. Nako, buti pa sila marunong tumahimik. Eh yung mga estudyante nila? Ang iingay.
Umakyat na ako ng stage. Naiwan sa baba si Mia at Ryu. Nandito na din si Mr. Ueda na nakaupo kasama ang ibang mga faculty members.
"Nandito lang kami sa likod mo whatever happens." sabi ni Mr. Ueda
"Thank you."
Si Don naman ay nasa harap na ng microphone para magsalita.
Im just looking at them. No one is paying attention kaya naman kinuha ko ang mic at inihulog sa floor. Nag cause ito ng malakas na ingay at napatingin na ang lahat sa akin.
"Good. So, can we start now?"
Lahat sila nakatingin lang sakin. Pinulot ko yung mic.
"Hindi ko kayo pinapunta dito para magingay lang." sabi ko.
Nagsimula na silang mabulong bulungan. Para silang mga bubuyog na nakakairita na talaga sa tenga.
"Su Nakahara is not my real name..."
Hinga munang malalim bago ulit magsalita.
".. I am Hana Hibari, the only daughter of Haruno Hibari, founder ng school kung nasaan kayo ngayon at ang bumuo ng Empire."
Masyado ata akong mabilis magsalita.
Given na siguro ang mga shocked faces na nakikita ko ngayon kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita bago pa ulit sila maka react.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...