Chapter 21

182 8 3
                                    

Chapter 21

Pinatay nila si Mr. Perez. Nagpipigil na lang ng galit dahil sa nalaman ko. Dadating din yung tamang time na magkakaharap harap kami pero wag muna ngayon. Kahit kelan wala silang karapatan na mandamay ng ibang tao.

Kailangan ko ng makaalis dito agad.

"Max. Hindi talaga namin makita kung saan niya itinago." sabi pa nung isa nilang kasama. Dahil sa wall na nakaharang hindi ko makita ang mga mukha nila. Pinapakingan kong maiigi ang mga boses nila.

"Nalintikan na! Nadoon ang lahat ng totoong ebidensya!" galit na galit na sabi nung isa sa kanila.

Tama ako. Hindi totoo ang mga ipinakita ni Perez samin kanina at hawak ko ngayon ang mga tunay. Nandito yung iba pang information na kailangan namin kaya mas lalo dapat akong mag ingat sa kanila

Hindi pa ba sila natatapos sa pag uusap nila? init na init na ko dito sa loob? Tsaka hindi na ko makahinga ng maayos.

"Ayaw niya kasing magsalita kanina. Pinipilit namin siyang ituro kung nasaan. Kaya wala kaming nagawa kundi patahimikin na lang siya." Alam niyo yung feeling na gusto ko ng sipain yung pinto sa harap ko para makaramdam na sila ng sakit sa katawan? Kanina ko pa gustong gawin 'yon e.

"Mga tanga! Kung hindi niyo sana tinapos edi sana alam na natin ngayon kung nasaan yung bwiset na maletang 'yon?!" malakas ulit niyang sigaw sabay hampas ng kamay sa wall.

Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon. Akala ko masisira na yung wall sa lakas ng hampas niya.

Buti na lang at medyo malayo siya ng konti kung saan ako nagtatago.

Nahihirapan na kong makahinga.

"Sunugin niyo na ang buong bahay. Siguraduhin niyong walang makakakita sa inyo. Kung nandito man ang maletang 'yon siguradong masusunog na 'yon ng tuluyan kaya wala na tayong problema. Ako ng bahalang magsabi kay boss."

Medyo tumahimik na ulit sa labas. Narinig kong nagsibabaan na sila. Matapos silang manira ng gamit dito e susunugin lang nila?

Kailangan ko ng makalabas bago pa nila sunugin ang buong bahay.

Lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko at pinakiramdaman ko ang paligid. Masyadong madilim kaya limitado lang ang kilos ko. Sinubukan ko uling buksan 'yung bintana pero ayaw talaga.

Narinig kong may mga kotseng umalis. Nakaalis na siguro sila.

Maya maya pa mabilis na nabalutan ng usok ang buong bahay.

Bababa na sana ako pero huli na dahil paakyat na yung sunog. Wala na kong ibang pwedeng madaanan kundi yung bintana lang.

Mainit na sa loob. Sumasakit na ang dibdib ko dahil sa usok. Binasag ko na yung bintana gamit ang siko ko. Inilaglag ko muna yung maleta bago ako tumalon.

Medyo hindi maganda ang paglanding ko dahil hindi ko ganong makita yung babagsakan ko.

Nahirapan akong tumayo dahil nasugatan ang paa ko dahil sa basag na paso na nabagsakan ko. Medyo maliit na hiwa lang naman dito sa kanang hita ko.

Kinuha ko agad yung maleta at nagmadaling umalis sa lugar.

Iika ika akong naglakad. Naka school uniform pa pala ako. Baka kapag sa mismong daanan ako maglakad ay mapansin ako ng mga tao.

Dito na lang ako sa damuhan dumaan. Low Bat na yung phone ko kaya hindi na ko makatawag. Wala akong choice kundi ang maglakad pabalik.

Medyo malayo na ko mula sa sunog kaya dito na ako dumaan sa kalsada. Wala namang tao kaya walang makakakita sa akin dito.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon