Chapter 36
Last event na ngayon ng sports festival kung saan kaming dalawa ni Ryu ang participants para sa section namin.
Nandito ang lahat sa malaking field ng school, parang battle of the best na yata ang magaganap ngayon sa sobrang crowded ng buong place.
"Ano daw bang gagawin dito sa last game?" tanong ko kay Ryu na nakatayo sa tabi ko.
"Malay ko."
"Nasaan na si President? Mukhang masisimula na yung game." sabi ni Rika. Busy si Naomi na inaayos yung ponytail ko.
Tumatakbo si president pappalapit sa amin.
"Su! Ryu! Heto na yung mechanics nung game." saan ba niya kinuha yung instructions at parang pagod na pagod siya?
Iniabot niya sa amin ang isang half siza paper, binasa ng malakas ni Ryu ang nakasulat.
"Couple relay game. Three obstacles. First, back-hug ride. Second, the newly-wed carry and the last one is the blind fold hunt." basa ni Ryu.
Napanganga na lang kaming lahat sa ibinigay na mechanics ng game. Kaya pala isang girl at bopy ang gusto nilang kunin na participants, mga walanghiya talaga.
"Okay, kalimutan na lang natin yung game. Tara uwi na tayo?"
"Kalokohan." sabi pa ni Ryu.
Hinding hindi ako sasali sa ganyang klase ng game. Mga baliw ba sila? Obvious naman na pang couples talaga yung game. Kung sino mang nakaisip nito,
Hindi naman porke may gusto ako kay Ryu ay papayag na ako sa ganitong klase ng game, A-yo-ko. No!
Para lang sa mga talagang couples ang game na 'yon kaya hindi kami pwede ni Ryu. hindi naman kami couple eh.
Napatingin ako kay Ryu, mukhang hindi din niya gusto ang idea ng game. Kinuha ko na 'yung bag ko at nagsimula ng maglakad palayo.
"Su! Hindi na kayo pwedeng mag quit!" humarang sa harap ko si Rika at yung iba naming classmates, lagot.
"Bakit? Karapatan naman naming umayaw diba? Hindi naman kami couple para sumali sa game." Sorry, pero nahihiya lang talaga kasi ako. Baka pagmulan pa ng issue yung partnership naming dalawa.
Kausap ni Ryu ngayon si President at mukhang may negosasyon na nagaganap.
"Pag hindi kayo sumali sa game, isang buong linggo tayong maglilinis nang field na 'to bilang punishment." sabi pa ni Naomi.
"Ang OA ng parusa ha, sino bang nakaisip 'nun?" tanong ko sa kanila.
"'Yung founder ng school, gusto daw kasi niya na matuto tayo na sumunod sa rules." sabi pa ni Rika.
Parang gusto kong iuntog yung sarili ko ngayon sa wall ng paulit ulit. Pati ba naman sa simpleng sporta event ay may rules pang naisip si Dad?!
Dapat pala hindi ko na lang tinanong, pambihira.
Natawa na lang talaga ako sa mga sinasabi nila, kahit kelan talaga.
"Su, tara na." yaya sa akin ni Ryu sabay abot ng isa niyang kamay.
Tinignan ko lang yung kamay niya.
"Anong gagawin ko diyan?" pagtataka ko.
Pinitik ni Ryu yung noo ko, narinig ko namang tinawanan kami ng mga classmates namin. Anong ginagawa niya? Masama ang kutob ko dito.
"Magsisimula na yung game kaya tara na." hinatak niya na lang ako bigla ng walang pasabi kaya pinagtitinginan na kami ng mga ka schoolmates namin.
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
Mystery / ThrillerSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...