Chapter 37

138 8 10
                                    

Chapter 37

Kailangan kong mahanap si Ryu. Sinimulan ko nang pakingan ang paligid.

"Su! Dito!"

"Su!"

"Nandito ako Su!"

Ang ingay naman! Hindi ko siya marinig, pero wait?

Alam kong hindi boses ni Ryu 'yon, kaya naman dahan dahan akong naglakad habang nakikinig pa din sa paligid.

"Mali Su! Dito!"

"Dito Su!" Nakakairita na sila sa sobra nilang ingay.

Hindi ko pa din alam kung nasaan si Ryu, tinatawag niya ba talaga ako? Joke time lang yata 'to at iniwan niya na ko.

Concentrate. Concentrate. Concentrate.

.. .. ..

"Su!" sa wakas narinig ko na din ang tawag niya.

"Ryu! nasan ka?" tanong ko. Narinig ko na din siya sa wakas!

"Nandito lang ako."

"Dito Su!"

"Su!"

Sabayan man nila ang pagtawag sa akin ni Ryu, kabisado ko pa din ang boses niya.

Paulit ulit kong naririnig ang pagtawag niya kaya naman sinundan ko lang iyon.

Napansin kong may tao na sa harap ko. Nakakapa ko yung bandang balikat na park hanggang sa buhok niya, basa.

"Sabihin mo ulit Ryu."

"Hana.." bulong niya sa tenga ko. Pagtangal ko sa blinfold, nakita ko si Ryu sa harap ko.

Napangiti na lang ako at ganun din siya. Hay grabe! Heaven na nga talaga!!

"Good job. Hindi naman halata sayo na kabisado mo ang boses ko?" sabi ni Ryu na naging dahilan kung bakit bigla na naman akong na concious sa harap niya.

Umiwas ako ng tingin at na feel kong nag blush na naman ang mga pisngi ko.

Tinamaan ako dun ha?

Kami ang unang nakatapos ng relay kaya naman kami ang nakakuha ng price.

"Congrats Su! Ryu!" bati nila sa amin.

"Thank you!"

"Picture naman diyan!" bigla ko na lang naramdaman ang pag akbay sa akin ni Ryu.

"Su! Konting lapit pa, masyado kang malayo." saway nila sa akin. Eh kung pagbuhol buhulin ko kaya sila sa kalokohan nila? obvious na obvious sa mga itsura nila na planado 'to eh!

Lumapit ako ng konti kay Ryu kaya masyado na naman kaming close sa isa't isa.

Hindi ba talaga siya titigil? Kanina pa kasi ako kinikilig sa mga ginagawa niya. Feel na feel ko tuloy na couple talaga kami.

Natapos na ang kaligayahan ko nang alisin na ni Ryu ang mga kamay niya sa balikat ko at pumunta sa mga kaibigan niya.

Hindi ko naman napansin na nasa tabi ko na pala agad si Rika at Naomi.

"Hoy Su, ano yang mga tingin na 'yan?" saway sa akin ni Rika.

Nahuli niya akong nakatingin kay Ryu.

"May hindi ka sinasabi sa amin noh? Nako, kahit hindi mo sabihin alam na alam na namin kung ano man 'yan." natatawang sabi ni Naomi.

Tinignan lang nila akong dalawa, habang nakangiti. Ngiti na alam kong may ibang meaning.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon