Chapter 55

39 0 1
                                    

Chapter 55

He didn't even say a word. Ang hirap naman niyang basahin.

Ano na naman kayang iniisip niya?

"Tapos?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko.

"'Yun lang."

"'Yun lang?"

Teka ano ba 'to? Tanungan na lang talaga yung usapan namin?

"Ang gulo mo." nakakairita na siya. Ano ba?! Naiinis na siya o ano?!

Umiwas siya ng tingin sakin kaya lalong hindi ko makita kung anong reaksyon niya.

"Ano namang naging sagot mo sa kanya?"

"Wala, sinabi lang niya na gusto niya ako tapos kung okay lang daw na.."

"Okay lang na ano?" medyo nag iba na siya ng tono ng boses. May pang iintriga na akong na se-sense.

"Kung okay lang ba na maging friends pa din kami."

Narinig kong napabuntong hininga si Ryu sa sinabi ko.

"Kaya ka umiyak kasi nagui-guilty ka na nasaktan mo siya, tama ba?"

Tumango lang ako.

Nag end na dun yung paguusap namin kaya babalik na ko sa kwarto.

"Mauna na ko."

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang hawakan ni Ryu ang kamay ko.

"Ito na yung last time na makikita kitang umiiyak dahil sa kanya Hana. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan dahil sa kanya."

Napaseryoso naman ni Ryu. Alam ko naman na concern lang siya sa nangyari sakin.

"Hindi lang naman siya ang laging dahilan kung bakit ako laging umiiyak. Actually, isa ka din sa mga naging reason, kaya please Ryu 'wag kang magisip ng masama tungkol kay Ran." ngumiti na lang ako sa kanya.

Dahan dahan niya akong binitawan.
"Sorry." hindi ko din masisisi si Ryu kung bakit siya nagkaka ganito.

Ayoko din namang nakikita siyang malungkot kaya nilakasan ko ang loob ko na gawin ang isang bagay.

"Magiging okay din ang lahat Ryu. Hinding hindi ko makakalimutan yung sinabi mo sakin."

Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"Can you still hold to that promise?"

Bigla akong niyakap ni Ryu. "Of course, maghihintay ako para sayo."

Napangiti na lang ako. "Goodnight Ryu."

Bumitaw na siya sa pagyakap niya sakin. Tumalikod na ako mula sa kanya at naglakad na papasok ng bahay.

"I love you too." sagot naman niya.

Muntik na kong madapa dahil sa sinabi niya. Buti na lang at na kontrol ko ang mga tuhod ko.

Hindi na ako lumingon pa ulit sa kanya.

Parang sasabog na naman yung puso ko dahil sa sobrang kilig. Makakapag aral pa kaya ako ng lagay na 'to?

**

Natapos na yung mga exams namin kaya ipopost na ulit nila kung ano ang naging result.

Medyo confident ako sa ngayon kasi nag aral talaga ako, tsaka isama na natin yung pustahan naming dalawa ni Ryu.

"Ayan na! Excited na ko!" sabi ni Rika.

Lahat kami nakaabang sa ipopost nila sa bulletin. Kinakabahan din ako sa magiging resulta. Magiging slave ko ba siya o ako ang magiging slave niya? Wah!!

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon