Chapter 33
Nahihiya or parang nacoconcious? Check. Hindi makatingin ng diretso? Check. Nagblublush? Check.
Ganitong ganito din ako kapag kaharap ko si Ryu.
Napansin ko naman mula sa isang tabi ay nakatingin sa amin yung grupo nila blonde, habang si Ryu naman ay natutulog pa din sa desk niya.
Baka naman pinagtritripan na naman nila ako? Pero sa nakikita kong itsura ni chubby, mukhang seryoso siya. Nakakahiya naman kung hindi ko siya pagbibigyan, tsaka nacurious naman ako bigla sa kung anong sasabihin niya.
Kahit na ba lokohan lang 'to eh mukhang sineseryoso ni chubby.
Lumabas na ng room si chubby at nakasunod lang ako sa kanya. Nakarating kami sa likod ng gym. Walang ganong tao sa paligid at nakatayo si lang chubby sa harap ko.
Hinihintay ko lang kung anong sasabihin niya.
"Okay ka lang ba?" Ako na ang unang nagsalita dahil parang kinakabahan yata siya?
Napapansin ko ding pinagpapawisan na siya at hindi alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam pero kinakabahan ako bigla sa kung anong sasabihin niya.
"I.. I.." nauutal na sabi ni chubby.
"Ha?" hindi ko siya maintindihan, ang hina ng boses niya.
"I like -"
Hindi ko narinig yung huling sinabi ni chubby ng biglang may nagsuot sa ulo ko ng headphones na may music na sobrang lakas.
"Sinong!?" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Ryu na masama ang tingin, hindi sa akin kundi kay chubby.
Naiirita kong tinangal yung inilagay niya sa ulo ko.
"Ano bang problema mo?" galit kong sabi kay Ryu. Epal lang?
Parang wala siyang narinig sa mga sinabi ko. Inakbayan niya ako bigla at humarap kami kay chubby.
"Pasensya na sa istorbo pare, pero sa iba mo na lang sabihin 'yon."
Sinusubukan kong alisin ang sarili ko mula sa pagkaka akbay niya pero ayaw niya talaga akong pakawalan. Ano na naman bang kalokohan 'to?
Nagulat na lang ako nang bigla tumakbo palayo sa amin si chubby.
"Wait lang!" sigaw ko sa kanya.
Hahabulin ko na sana si chubby pero talagang pinipigilan ako ni Ryu. Mahigpit naman ngayon ang hawak niya sa isang kamay ko.
"Ano bang problema mo Ryu?! Bitawan mo nga ako!"
"Dito ka lang, nawala ka lang saglit sa paningin ko may iba nang umaaligid sayo."
Napatigil ako sa mga sinabi niya. Nagsimula na namang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? May sasabihin lang naman si chubby tapos bigla mo namang pinatigil."
Nakatingin lang siya ng diretso sa akin.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, yung tipong ayaw niya talaga akong pakawalan.
Napansin ko namang biglang napayuko si Ryu sa tagal ng pagtingin ko sa kanya.
Tama ba 'tong nakikita ko? Nagblublush si Ryu?
Kanina akala mo kung sinong matapang na pinaalis si chubby tapos ngayon ni kahit tignan ako eh hindi niya magawa?
"Ryu?" Tsaka lang siya tumingin sa akin nung tinawag ko ang pangalan niya.
"May gusto ka bang sabihin Ryu?"
BINABASA MO ANG
She's On Duty ♠
מתח / מותחןSu Nakahara is Hana Hibari. Ang only daughter ng dating CEO ng empire group. A seventeen year old girl na high school student. Mysterious but friendly and always on the go. But don't underestimate this girl. She is on her duty to solve the case of...