Chapter 1

653 58 46
                                    





Sa Airport.



"Welcome home" nakasulat sa tarpaulin na nakasabit sa may arrival area.


"Su! Welcome Back!!" Nagulat ako sa lakas ng boses niya. Napalingon ako at nakita ko si Don.


"Matutuwa ba ko dahil sa excited kang makita ako o maiinis sa pag broadcast mo ng pangalan ko?" 


"Welcome home Master." Nakangiting sagot ni Don. Pagkakita ko pa lang sa nakakainis niyang ngiti , binigay ko na sa kanya agad yung dala kong luggage.


"Tara na bago pa ko mainis ng tuluyan sayo."

"Sorry na master. Hindi ka na mabiro."


Tumingin lang ako sa kanya at dali dali na siyang naglakad palabas ng airport habang nakasunod lang ako.


Don Perez. 30 years old. Kanang kamay ko. And the only person that i can trust. Bata pa lang ako kilala ko na si Don. Matagal ng nagtratrabaho ang family ni Don para sa amin. Pero dahil sa isang incident na nangyari noong bata pa ko, napilitan akong pumunta ng Japan. We never lost each others contact. From time to time he will visit me there. Para ko na siyang kuya. 

Hindi niya ko iniwan. Kaya ganun na lang ang tiwala ko sa kanya.


"Don, From now on stop calling me Master kapag nasa public place tayo or may mga tao sa paligid. Su is fine." utos ko kay Don.

"Okay." Nakangiti na naman niyang sagot.


"Su, sakay na." nagulat ako sa very casual na pagtawag sakin ni Don. Nakakapanibago pero nakakatuwa that i feel so normal about it. 


Habang nagdridrive si Don may inabot siya sakin na isang folder.


"Naayos ko na yung mga documents ng pagtransfer mo ng school. Graduating ka na this year kaya ienjoy mo na ang last high school year mo." 


Tinignan ko ang nasa loob ng folder at sinimulang basahin ito.


"Nandyan na din pala yung Profile ng mga students na pwedeng makatulong sayo. Pwede kang makakuha ng information sa kanila tungkol dun sa taong hinahanap natin." Tahimik ko lang na binasa ang mga Profile nila.

"Okay." Matipid kong sagot.


"Nga pala mag ingat ka sa mga students ng school na 'yan, Hindi kasi biro kung anong kaya nilang gawin sayo sa oras na magkamali ka ng galaw."

"Magkamali ng galaw? Dapat ba kong matakot sa kanila?" Natatawa kong tanong.


"Kilala kita, Alam ko kung anong kaya nong gawin. Alam kong hindi mo sinayang ang bawat araw at taon mo sa Japan para umuwi sa Pilipinas para sa wala lang. Please lang Hana, wag muna tayong magpadalos dalos ng kilos." seryosong sabi ni Don

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon