Chapter 25

180 9 11
                                    

Chapter 25

Tapos na yung half day classes namin kaya naman nagstart na kaming mag practice para sa upcoming sports festival.

Si Rika at Naomi busy sa paghahanda ng cheer para sa section namin. Sila blonde at Ryu naman nagprapractice din ng basketball. At ako? Heto naglalaro ng volleyball kasama yung mga ka teammates ko.

"Su. Pahinga muna tayo."

"Okay sige."

Basang basa na ng pawis yung shirt ko kaya naman nagpunta ako ng locker room para makapagpalit.

Ako lang mag-isa dito sa loob kaya naman nagpalipas muna ako ng oras. Kailangan kong ng tahimik na lugar para makapagpahinga.

"Uy girl. Narinig mo na ba yung balita? Bumalik na daw dito sa school si Mitch." Ay, may ibang tao pa pala dito. Maka alis na nga lang.

"Talaga? Kelan pa? Akala ko ba doon na siya sa U.S. mag aaral?"

"Yan din nga ang akala namin. Pero mukhang tinamaan yata talaga siya kay R-" Hindi ko narinig yung usapan nung dalawang students dahil may nagsidatingan pang iba kaya naman umingay na sa loob.

Sino kaya yung Mitch? Hindi ko sinasadyang marinig yung usapan nila pero kinabahan ako bigla. Feeling ko may di magandang mangyayari.

Nakabalik na ko at nagpatuloy lang kami sa pagprapractice.

Nakaramdam ng ako ng hilo kaya naman hindi ko namalayan na sakin pala papunta yung bola. Antok pa ko.

Tinamaan ako sa ulo na naging dahilan kung bakit bigla akong na out of balance at napaupo sa sahig.

"Aray." sabi ko habang hinahawakan ko yung ulo ko. Nagtakbuhan naman sila papalapit sakin.

"Okay ka lang ba Su?"

"Oo. Okay lang ba kung magpapahinga lang muna ako ulit?" sabi ko na lang sa kanila.

Nakaupo na lang ako sa isang tabi habang nagpapahinga. Dala lang siguro 'to ng puyat. Maya maya nakita ko si blonde a.k.a Nico na papalapit sakin.

"Pwedeng makiupo?" tanong niya. Wow, Si blonde ba talaga 'tong kaharap ko ngayon? Himala yata na hindi niya na ko inaaway ngayon.

Tahimik lang ako habang siya naman ay umiinom ng tubig.

"Salamat nga pala Nakahara." sabi ni Nico.

"Salamat saan?" pagtataka ko.

Ngumiti muna si Nico bago siya nagsalita. "Simula ng dumating ka nagbago na si Ryu."

"Nagbago?" pagtataka ko. Tumango lang siya.

"Kakaiba ka kasi. Ikaw lang ang naglakas na loob na lumaban sa grupo namin." natatawang sabi ni Nico.

"'Yon ba? Ginawa ko lang naman kung anong alam kong tama." sagot ko. Kung alam lang ni Nico kung ano ba talaga si Ryu dati, sigurado akong magugulat siya.

Hindi naman talaga ako ang naging dahilan kung bakit sila tumino, sila mismo ang may desisyon na gawin iyon. Sabihin na lang natin na ako lang yung naging wake up call para sa kanila.

"Sorry Nakahara. Hayaan mo magtitino na talaga kami, takot lang namin sayo." nagtawanan na lang kaming dalawa ni Nico sa mga sinabi niya.

Okay naman pala si Nico. Hindi naman pala siya kasing sama tulad ng iniisip ko.

"Oh pano. Friends na tayo?" tanong ko kay Nico sabay abot ng isa kong kamay.

She's On Duty ♠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon